Long ride advices, reminders and must-haves

-

By Niña de Guzman

Excited ka na ba for this quarantine to be over? Kating-kati na ba ang mga paa mo para makagala? Nami-miss mo na bang hawakan ang throttle ng iyong motor habang humaharurot sa highway patungo sa iyong kasunod na adventure? Well, bago pa ang lahat ng iyan, mabuting planuhin mo na nang maigi ang iyong ride pagkatapos ng quarantine na ito.

Pack light. 

I-limit mo lamang ang dala mong damit sa isang pang-ibaba at dalawa hanggang tatlong pang-itaas. Maaari ka ring magdala ng raincoat sakaling umulan habang ika’y bumabyahe, encouraged din na ang gagamitin mong gloves kung maaari ay waterproof. Sa medyas, pwedeng pwede ito hanggang dalawang araw isang pares.

Para naman sa iyong undergarments, syempre kung ilang araw ang estimated mong tagal ng byahe ayun ang magiging bilang nito. ‘Wag mo ring kalimutan magdala ng jacket, pwede itong panlaban sa lamig at pwedeng pwede ring higaan.

‘Wag mo ring kalimutan ang mga travel-sized na toiletries na kakailanganin mo at plastik o maliliit na bag para ma-segregate ang iyong kagamitan. ‘Wag mong kalimutan ang iyong lisensya, iba pang valid ID, cellphone para sa GPS, charger at kahit printed ng mapa kung sakaling mawalan ng signal para sa GPS mo. 

Pwede ka rin namang mag-pack ng pagkain, snacks sakaling abutan ka ng gutom sa daan, and two refillable water bottles. Magdala rin ng first-aid kit at most importantly, ang iyong tool kit, sa loob nito dapat meron kang adjustable wrench, allen wrenches, screwdriver, portable air compressor, at iba pa. Magdala na rin ng motorcycle cover.

Plan ahead. 

GPS at ang bag na iyong babaunin laman ang iyong mga kailangan ang dalawa sa pinakamahalagang bagay na makatutulong sayo para sa isang smooth, hassle-free na long ride kasama ang iyong baby (motorsiklo ito, hindi jowa).

Kailangan planado mo saan pupunta at kung anong ruta ang iyong dadaanan. Aralin mo muna ang iyong dadaanan, kung ito ba ay makipot o maluwag na mga kalsada, sa main road ka ba dadaan o sa service road lang. Well-lit ba ang mga daan? Kung hindi, isa sa iyong dapat isipin ay ang hindi magpagabi sa daan upang masiguro ang iyong kaligtasan.

Check your baby. 

Tandaan na isang araw bago ang iyong long ride, gumawa ng checklist para naman sa iyong motorsiklo. 

Dapat in good shape ang iyong baby, i-check ang brakes nito (‘wag mong kalimutang silipin kung sapat pa ba ang brake pads mo). I-check rin ang iyong gulong kung nasa tamang tigas ba ito at kung walang butas na maaaring magpawala ng hangin nito kapag on the road ka na.

Maraming ino-offer si Motortrade na mga motorsiklong perfect sa mga taong mahilig sa long ride. You can check them out sa kanilang Facebook Page https://www.facebook.com/MotortradePh/ at Motortrade.com.ph

Makakahanap ka rito ng fit sa iyong sukat, taas, style ng motorsiklo sa dami ng pagpipilian. 

Isabay na rin ang pag-check ng iyong helmet, kung nasa good condition ba ito. Yan ang isa sa mga pinakamahalagang bagay na maaring magligtas sa iyo kung mahaharap ka man sa unexpected road accidents. 

Kung wala ka nang nakalimutan, ready ka ng mag long ride. Pwede mo itong gawing gabay habang nagpa-plano ka na ng iyong first o susunod na long ride pagkatapos ng quarantine. 

Latest Chika STAR
Latest Chika STAR
Latest Chika is PSN and Philippine STAR's online entertainment hub | Your one stop shop for the latest showbiz news, trending, viral stories, and more!

Latest

YOU MAY LIKE