Lotlot de Leon at Sandy Andolong ipinagtanggol si Janine Gutierrez kay Lolit Solis

-

Hindi na nakatiis si Lotlot de Leon at nagsalita na rin sa kinasasangkutang issue ng anak na si Janine Gutierrez.

Maaalalang nag-comment si Janine ng “Oh God” tungkol sa TV comeback ni Sen. Bong Revilla na hindi ikinatuwa ni Manay Lolit Solis na tumatayong manager ng senador.

Sa mahabang post, hindi binanggit ni Lotlot ang pangalan ni Nay Lolit pero obvious naman na kaya siya nag-post ay para ipakita ang suporta at ipagtanggol ang anak na aniya ay pinalaki niyang magalang at mapagkumbaba.

“When she came to me after college and said, ‘Mama gusto kong mag-try mag-artista’, I asked her, ‘Are you sure?’ I asked her that question not because wala akong bilib sa kanya o sa kakayahan niya, but because I was afraid that this industry that I have grown up into can be very harsh sometimes. Andyan yung pag nagsalita ka kesehodang maganda intention mo nagiging mali pa din para sa iba. Pag nasa industriya ka kailangan maging handa ka sa lahat ng pagbabatikos at sari-saring opinyon.

“When you’re in this industry puwede ka kaagad mahusgahan ng hindi ka natatanong kung bakit may nasabi ka o nagawa ka. Everyone else can give their opinions and share how they feel pero dahil artista ka may hangganan ang pagbibigay mo nun. Medyo unfair. Hehehe! And because of all these reasons, half of me wanted to say no because as a mom ayoko siyang masaktan. I want to protect my daughter from all of that. Di baleng ako na lang ang sabihan ng masasakit, tawagin ng kung anu-ano huwag lang siya. On the other hand I can’t stop her from what she wants for herself, for living her dreams, for proving herself and giving her a chance to go after that.

“What I saw in Janine’s eyes and felt when we had that conversation that day is that she was willing to learn and “accept everything” that comes with being an artist and be the best version she can be in this profession that she has chosen. That’s why I said yes. Buong puso kong maipagmamalaki that I have raised a daughter that is very respectful, level-headed, smart, humble and willing to take risks when needed. Bilang magulang andito lang ako nakatanaw and praying with all my heart that she will achieve everything that she has only prayed for. In the many years that I have also been in this industry at sa lahat ng nakita at napagdaanan ko, I have also learned to choose my battles, hindi lahat pinapatulan, sinasagot at pinapalaki. At the same time I have also learned that it’s okay to say what you feel, to give your opinion and to be heard. Hindi kabawasan ng pagkatao yun lalo na kung nasa tama naman. These are all the things that I have learned. Babe, I love you. Just Continue with all the hard work and keep on swimming.”

Sa comment section ay bumabaha ng sweet messages at support para sa mag-ina samantalang maraming nega naman ang comment box tungkol sa post ni Nay Lolit.

Nauna nang nag-comment si Sandy Andolong sa post ni Nay Lolit ng “Nay please, I know Janine to be a very good, loving, kind & respectful girl. She was brought up well by both her parents. I’m pretty sure she had no intention of coming on too cruel or harsh with her comment/opinion. Belittling her is unnecessary. Hinay-hinay lang Nay. Puso mo, bawal tumaas ang BP. Love, love, love sabi nga ni @krisaquino.”

Si Sandy ay misis ni Christopher de Leon na ama ni Lotlot at lolo ni Janine.

Napaka-classy ng post na ito ni Lotlot. Without mentioning names, naipagtanggol niya si Janine at umiral ang protective instinct bilang nanay.

Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Must Read