Categories
Latest Chika

‘So cruel’: Lolit Solis calls out Janine Gutierrez for comment on Bong Revilla’s TV comeback

Samu’t saring reaksiyon ang natatanggap ngayon ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez pagkatapos nitong mag-react sa tweet ng GMA Network tungkol sa bagong programang Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla Jr. na mapapanood next year.

Tweet ng GMA Network, “Handa na ba kayong muling mapanood sa telebisyon si Senator Bong Revilla? Abangan siya ngayong 2020 sa #AgimatNgAgila!”

Reaction ni Janine: “Oh God.”

May mga fans na natawa sa comment na iyun ni Janine na sinagot niya pa ulit ng “Di ko kaya besh.”

Kung marami ang natawa, may iba namang nagpahayag ng pagkadismaya tulad na lang ng veteran manager at columnist na si Manay Lolit Solis. Sa mahabang post, sinabi ni Nay Lolit na nirerespeto niya ang political beliefs ni Janine pero dapat ay maging magaan siya sa pagbibigay ng chance sa kapwa.

Talent manager and veteran entertainment columnist Lolit Solis. — Photo courtesy of Salve Asis
View this post on Instagram

Siguro gusto ni Janine Gutierrez na mapansin ko siya Salve. The nerve na mag-negative comment siya sa TV comeback ni Bong Revilla. How can she be so cruel for a second chance to a co actor like Bong without even thinking if not for the goodness of people she won't be where she is today. Alam naman niya siguro ang history ng nanay niyang si Lotlot de Leon. Sa kabutihan ng pamilya ni Nora Aunor, pinalaki at inalagaan siya, at nagkaroon ng anak na Janine Gutierrez na niyakap din at minahal ng showbiz. Dapat sa mga pagkakataon gusto niya magbigay opinyon, nandun ang pang-unawa at respeto, dahil kaibigan ng lolo niyang si Christopher de Leon si Bong Revilla. I respect what she feels, or her political beliefs, pero sana inisip niya more than anyone else, siya dapat ang mas maging magaan sa pagbibigay chance sa isang tao na gusto bumalik sa pinanggalingan niyang mundo. Buti na lang isa lang talent ng GMA si Janine Gutierrez, just imagine kung siya ang may-ari ng network, hindi pala niya bibigyan ng trabaho si Bong Revilla. Hindi siya papayag na ampunin ang isang gusto magkarun ng trabaho. Buti na lang at hindi siya naging box office queen na sana makatulong para sa career ni Bong, dahil wala pa naman ako narinig na naging blockbuster movie niya, or tv show na naging sobra ang taas ng rating, kaya hindi din siya makakatulong sa career ni Bong Revilla. A piece of advice Janine Gutierrez, sana maging maligaya ang lovelife mo para mas maging mabuti ang puso mo. Love thy neighbor, dahil kundi sa kanila hindi ka naging Janine Gutierrez. Sayang, love pa naman kita, now takot na ako dahil baka maging judgemental at I am cleaner than you are attitude ka rin sa akin dahil sa mga nagawa kong pagkakamali, you will never give me a second chance. Hoping you will do well, kumita at mag rate mga ginagawa mong project. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Siguro gusto ni Janine Gutierrez na mapansin ko siya kaya wagas ang kanyang comment na ‘Oh God’ tungkol sa pagbabalik ni Bong Revilla, Jr. sa telebisyon.

“The nerve na mag-negative comment siya sa television comeback ni Bong, ang Agimat ng Agila.

“How can she be so cruel in giving a second chance to a co-actor like Bong without even thinking if not for the goodness of other people, she won’t be where she is today?

“Alam naman siguro ni Janine ang history ng kanyang nanay na si Lotlot de Leon. Sa kabutihan ng pamilya ni Nora Aunor, inampon, pinalaki at inalagaan si Lotlot at nagkaroon ng anak na Janine Gutierrez na niyakap din at minahal ng showbiz. Dapat sa mga pagkakataon na gusto ni Janine na magbigay ng opinyon, isinaalang-alang niya sana ang pang-unawa at respeto, dahil kaibigan si Bong ng kanyang lolo na si Christopher de Leon.

“I respect what she feels, or her political beliefs, pero sana inisip ni Janine na more than anyone else, siya ang dapat ang mas maging magaan sa pagbibigay ng chance sa isang tao na gusto nang bumalik sa mundo na pinanggalingan.

“Mabuti na lang, isa lamang talent ng GMA 7 si Janine. Just imagine kung siya ang may-ari ng network, hindi pala niya bibigyan ng trabaho si Bong. Hindi siya papayag na ampunin ang isang gusto na magkaroon ng trabaho. Buti na lang at hindi siya naging box office queen na makakatulong sa career ni Bong.

“Wala pa naman akong narinig na nagkaroon si Janine ng blockbuster movie o television show na naging sobra ang taas ng rating kaya hindi rin siya makakatulong sa career ni Bong na marami nang napatunayan sa showbiz at public service.

A piece for advice Janine Gutierrez, sana maging maligaya ang lovelife mo para mas maging mabuti ang puso mo. Love thy neighbor, dahil kung hindi sa kanila, hindi ka naging Janine Gutierrez.

“Sayang, love pa naman kita. Now takot na ako dahil baka maging judgmental at I am cleaner than you are attitude ka rin sa akin dahil sa mga nagawa kong pagkakamali, you will never give me a second chance. Hoping you will do well, kumita at mag-rate sana ang mga project na ginagawa mo.

Wala pang sagot si Janine sa post ni Manay Lolit habang sinusulat ang balitang ito.

Debbie Castillo

By Debbie Castillo

Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.