Maricel Soriano walang bitterness sa panlaglag ng MMFF!

-

Walang bitterness si Maricel Soriano kahit hindi napabilang sa eight official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019 ang horror movie nila na The Heiress ng Regal Entertainment. Tanggap na raw nila na iba ang plano ni Lord sa kanilang pelikula ni Janella Salvador.

Pakiramdam ni Maricel, baka mas malaki pa ang kikitain ng The Heiress na showing na sa November 27. “Hindi naman natin pwedeng kwestyunin kung ano ang plano ni God, di ba? Malay mo, mas malaki ‘yung kitain namin, mas mapapasaya pa namin si Mother (Lily Monteverde, the producer),” paliwanag ni Maricel sa presscon ng The Heiress last Thursday night.

The Heiress star Maricel Soriano. — Photo credit: mhoyvistan_mua

Maalalang sumama ang loob ni Mother Lily sa hindi pagkakapili ng The Heiress sa eight official entries ng MMFF 2019 lalo na nga’t wala naman daw sa kanilang binigay na justification kung bakit laglag sila sa official entries.

Naalala ko pang sinabi ni Mother Lily na hindi siya galit pero sana malaman niya kung anong problema ng pelikula niya para naman next year alam na nila ang gagawin.

Maricel with The Heiress co-star Janella Salvador.

Samantala, maging ang director ng pelikula na si Frasco Mortiz ay thankful na rin na may nakuha agad silang playdate though hindi niya rin daw niya alam kung bakit hindi nga ito nakasali sa mga pelikulang ipalalabas starting December 25 na ikinalungkot niya.

“Kasi, ang worry ko, kung next year ipalalabas, ang daming ipapalabas na horror, baka maluma bigla,” sey ni direk.

“Pero I’m sure, may magandang rason kung bakit hindi kami nakapasok, and for me, mas maganda na hindi kami nakasama,” depensa ni Direk Frasco na anak ni Direk Edgar Mortiz.

With Maricel and Janella in The Heiress are Sunshine Cruz and McCoy de Leon.

Makakabangga nila sa takilya ang Unbreakable nina Richard Gutierrez, Angelica Panganiban and Bea Alonzo. Sana nga pare-parehong kumita ang mga pelikulang ipapalabas.

Tagalong films nangangamote sa box-office lately

Lately ay mahina sa box office ang mga palabas na pelikula lalo na ang mga Tagalog film. Imagine may isa akong kakilala na sa naisipang panoorin ang isang pelikulang palabas last week. Pero nung bibili na raw siya ng ticket, nag-advice ang cashier na baka hindi matuloy ang screening dahil wala pang ibang bumibili ng ticket. So ang ginawa ng friend namin, bumili siya ng three tickets para lang magkaroon ng screening kahil solo lang siya.

Nang matuloy ang screening, may nakasama naman daw siya sa loob ng isang malaking sinehan, mga apat. Imagine kung three plus four equals seven sila sa loob ng sinehan. P2,100 lang ang kinita ng isang sinehan. Malamang kulang pa ‘yun sa kuryente dahil malakas ang aircon sa loob ng movie theater. Sana naman nga, ito mga susunod na ipalalabas na pelikula ay pilahan naman.

Salve Asis
Salve Asis
Salve Asis is an entertainment columnist and editor of Pilipino Star Ngayon and Pang Masa. A member of the Cinema Evaluation Board, she’s one of the founders and officers of the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).

Latest

YOU MAY LIKE