Mikee Quintos addresses ‘pabigat’ issue during her college days

-

In-address na ng aktres na si Mikee Quintos ang kanyang “pabigat sa group work” issue na nag-viral sa social media noong kanyang college days.

Matatandaan na taong 2021 nang may mag-post umano patungkol kay Mikee sa isang freedom wall sa Facebook. Dito, sinabi ng anonymous poster na “pabigat” umano si Mikee sa kanilang group work.

Sa podcast na “Once and Always a Fanboy,” nabanggit ng aktres ang bashing na kanyang natanggap nang mag-viral sa social media ang issue.

“Nagkaroon ng time, na-bash ako malala… Alam mo ’yung mga freedom wall per college, ’yung mga anonymous na pinopost. May nag-hate na pabigat daw ako sa group work. Ta’s super nag-viral,” kwento ni Mikee.

“I was doing a show that time, naka-lock in ako, I was doing The Lost Recipe, eh nu’ng time na ’yon, nag-full load ako dahil online lang lahat,” wika niya.

Dahil dito, aminado si Mikee na naapektuhan siya sa bashing na kanyang nakuha at that time.

“So sobrang offended ko. Na-affect ako in a way na ayokong pumasok kahit online class. Kasi feeling ko tinatawanan ako ng mga kaklase ko,” saad ng aktres.

“All that hate coming towards you, kahit anong lakas ng loob mo, kahit anong talino mo, there was so much hate coming towards you and hindi lahat ’yun mabobounce off mo,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, na-open up din ni Mikee ang kanyang struggle sa pagbabalance ng pag-aaral at pagtatrabaho.

“Feeling ko, nakalimutan ko na ’yung mga kaklase ko sa college, hindi pa nagtatrabaho. College pa lang sila. Tapos hindi nila ma-gets ’yung pressure na binabalance ko ’yung dalawa,” saad ni Mikee.

“So I can’t expect na when I talk to them and explain na, ‘Kailangan kong magpa-nails para sa show at may taping ako.’ Hindi nila makikita as trabaho ’yun for me. ’Yun ’yung rant niya kasi sa post niya, na nagpa-nails pa daw ako, na mayroong deadline,” pagpapatuloy pa niya.

Ayon pa kay Mikee, marami din umano siyang lesson na nakuha mula sa kanyang naging experience.

“’Yung pain na mafefeel mo once you experience that, nakakalakas talaga siya. Make sure lang you don’t become bitter. It’s important you catch yourself na hindi ka maging bitter. Kasi ’yun ’yung natutunan ko after,” wika ng aktres.

Matatandaan na nagtapos si Mikee sa kursong Bachelor of Science in Architecture sa University of Santo Tomas noong June 2025.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE