Inamin ng aktres na si Nadine Lustre na sa ngayon ay hindi pa siya ready na magkaroon ng anak.
Sa recent vlog ng “Call Me Mother” star na si Vice Ganda, napag-usapan nila ng kanyang co-star na si Nadine ang patungkol sa pagiging ina.
‘HINDI SIYA LARUAN EH, HINDI LANG SIYA CUTE… IT’S SUCH A HUGE RESPONSIBILITY’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) January 9, 2026
Ganito ang ibinahagi ng aktres na si Nadine Lustre matapos mapag-usapan sa isang vlog ang patungkol sa pagkakaroon ng anak.
“Kaya mo nang maging mother?” tanong ni Vice Ganda kay Nadine. pic.twitter.com/im1TvpDeL4
Ayon sa aktres, sa ngayon ay ayaw niya pa munang magkaroon ng anak.
“Actually, ayoko talaga mag-anak. Pero kung mangyayari, kung ibibigay sakin, tatanggapin ko naman,” saad ni Nadine.
Pagbabahagi ni Nadine, nakikita niya bilang isang “huge responsibility” ang pagpapalaki ng isang bata.
“Parang hindi ko lang kayang… Kasi takot din ako na, magre-raise ka ng ano eh, tao eh. ‘Di ba? Syempre, responsible ka diyan,” wika niya.
“Hindi siya laruan eh, hindi lang siya cute, hindi lang ’yung parang makita mo na, oh, may kamukha ka or may anak ka. Parang it’s such a huge responsibility na takot ako pag nagkamali ako,” saad niya.
“Tyaka ang hirap ng buhay ngayon. Sobrang hirap,” wika pa niya.
Kwento ng aktres, sa ngayon ay hindi pa siya tapos na i-discover ang kanyang sarili.
“I think for me din kasi, hindi pa ko tapos i-discover ’yung sarili ko… Parang ang laking responsibilidad lang na nakakatakot siya for me,” pahayag niya.
Hindi pa man siya ready sa ngayon, sinabi naman ni Nadine na hindi niya totally sinasara ang posibilidad na magkaroon siya ng anak in the future.
“Siguro hindi naman ako completely closed off. Parang hindi naman sarado totally na ’wag mag-anak. I mean right now, siguro mas importante lang sakin talaga ’yung matapos ko muna lahat ng kailangan kong gawin for myself. And then let’s see… Malalaman ko naman ‘yan kung ready na ko,” paliwanag niya.