Feeling grateful ang aktor na si Tom Rodriguez matapos siyang hirangin bilang Best Supporting Actor sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal na ginanap nitong December 27.
Pinarangalan si Tom ng nasabing award para sa kanyang pagganap bilang si Stephen sa film na “Unmarry.” Ginampanan niya ang role bilang isang rich husband ng karakter ni Angelica Panganiban.
Sa isang Instagram post, sinabi ni Tom na hindi niya in-expect na manonominate siya at mananalo bilang Best Supporting Actor.
“I honestly didn’t expect the nomination last night, much less the win,” wika niya.
Kabilang pa sa ibang nominado para sa nasabing award ay sina Cedrick Juan para sa pelikula na “Manila’s Finest,” Will Ashley de Leon para sa pelikula na “Bar Boys: After School,” Zaijian Jaranilla at Joey Marquez para sa pelikula na “I’mPerfect.”
“Last night was overwhelming in the best way. But how I started my day is how I will choose to end it… with intentional gratitude,” saad niya.
Kasabay nito, inialay ni Tom ang kanyang pagkapanalo sa kanyang non-showbiz wife at kanilang baby na si Korben.
“I’d also like to thank my family, who have ceaselessly supported me throughout this journey. Your belief, patience, and love are the steady ground I stand on, on and off screen,” saad niya.
“To everyone who continues to show up for the work, maraming maraming salamat po sa inyo,” dagdag pa ng aktor.