Kim Chiu hopes to enter 2026 with a ‘clean slate’

-

Ibinahagi ng TV personality at aktres na si Kim Chiu na nais niyang salubungin ang taong 2026 na mayroong “clean slate.”

Sa kanyang last vlog para sa taong 2025, ipinakita ni Kim ang kanyang all white Christmas tree.

Sa naturang Christmas tree, kapansin-pansin ang mga decorations nito na dove at feather.

Ayon kay Kim, symbolism ito ng kanyang pagnanais na magkaroon ng peace at calmness para sa bagong taon.

“This is my Christmas tree this year. So ang theme nito ay all white, as you can see madaming dove. May mga feather, dahil I want peace, I want calmness. I want clean slate to enter 2026,” saad niya.

Kasabay nito, feeling grateful din daw si Kim para sa lahat ng blessings at good things na nangyari sa kanya ngayong taon.

“Totoo ’yan, kunyari lang tayo nagsisiya-siyahan pero thank you so much for all the good things na nangyari ngayong taon na ’to,” pagpapatuloy pa niya.

Samantala, nagpasalamat naman si Kim sa patuloy na suporta na kanyang natatanggap mula sa kanyang mga followers.

“Thank you so so much for always supporting, for all the love, for all the energy, the time, the effort that you always give para sa akin. Sobrang na-appreciate ko ‘yon. Wishing you all a happy happy blessed 2026 to each and every one of you,” pagbabahagi pa niya.

Matatandaan na kamakailan lamang ay napabalita si Kim matapos niyang mag-file ng complaint laban sa kanyang kapatid na si Lakam Chiu dahil sa umano’y “financial discrepancies” sa kanilang business.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE