Nag-try ng ilang Filipino food ang mga Blackpink members na sina Rosé at Jisoo habang sila’y nasa Pilipinas para sa kanilang “Deadline” world tour na ginanap sa Philippine Arena sa Bulacan nito lamang November 22 at 23.
Sa day 1 ng naturang concert, makikita na kumain si Rosé ng Filipino delicacy na turon bago siya sumalang sa kanyang solo stage.
Samantala, sa day 2 ng naturang concert, Filipino dessert na Halo-halo naman ang kinain ni Rosé.
ROSÉ TRIES TURON
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) November 23, 2025
BLACKPINK member na si Rosé, sinubukan ang Filipino snack na turon sa Day 1 ng kanilang ‘Deadline’ world tour kahapon, November 22.
Gaganapin ang Day 2 ng concert ngayong araw, November 23.
(Instagram/therealaramina) pic.twitter.com/nsJYddtvfZ
Kitang-kita naman sa reaction ng naturang K-pop idol na na-enjoy niya ang Filipino food.
Sa kabilang banda, hindi rin nagpahuli si Jisoo na mag-try ng pagkaing pinoy.
JISOO TRIES JOLLIBEE! 😍❤️
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) November 24, 2025
Tila ikinatuwa ng mga Filipino fans ang post ng Blackpink member na si Jisoo kung saan makikita na sinubukan niyang kumain ng ilang Filipino food mula sa isang fast food chain. pic.twitter.com/d4egDxmvYX
Sa isang post ni Jisoo sa kanyang app na Blisoo, nag-share ang K-pop idol ng photo ng Filipino food na kanyang kinain mula sa isang sikat na fast food chain.
“What Apple Peach Pie…? It was delicious too,” wika ng K-pop idol.
“The food was delicious and cheers were amazing!!” saad pa nito.
Samantala, tila enjoy naman ang mga Filipino fans sa naging concert ng Blackpink.
Ilan sa mga songs na itinanghal ng nasabing K-pop girl group ay ang “Kill This Love,” “Pink Venom,” “How You Like That,” “Forever Young,” at iba pa.
Nag-perform din ang apat na members ng Blackpink ng kani-kanilang solo songs.
Samantala, matapos ang Philippine stop, nakatakda naman tumungo ang Blackpink sa Singapore para sa pagpapatuloy ng kanilang “Deadline” world tour.