Nag-release ng statement ang talent agency na Star Magic matapos makatanggap ng death threats ang TV personality na si Kim Chiu.
Sa inilabas na statement, makikita ang screenshot ng umano’y death threats na natanggap ni Kim.

Ayon sa Star Magic, hindi umano nila tinotolerate ang mga personal attacks laban sa kanilang mga artists.
“Star Magic does not tolerate threats, derogatory remarks, and other personal attacks made online against our artists,” wika nito sa kanilang statement.
Pahayag pa ng Star Magic, handa rin silang mag-take ng legal action kung kinakailangan.
“These acts have serious and damaging consequences and we will take legal action, if necessary,” dagdag pa nila.
Matatandaan na nag-viral si Kim kamakailan matapos niyang magbigay ng opinyon patungkol sa naging pagbaha dahil sa mga nagdaang bagyo sa probinsya ng Cebu.
“Ang daming nangyayari ngayon sa Cebu and then nagkaroon ng baha for the very first time after so long. So nakakabahala din syempre. And sana last na ‘yun na sakuna kasi parang ang dami nang pinagdaanan ng Cebu. ‘Yun lang, sana wala nang mangyayari sa Pilipinas. Ang hirap na, nakakapagod na,” wika ni Kim sa isang panayam.
Kaugnay nito, matatandaan na nagsalita rin si Kim kamakailan patungkol sa nangyayaring korapsyon sa bansa.
“Sa mga mambabatas, please hear us. Hindi lang tao ang sumisigaw – Mother Nature na mismo ang nagpapakita ng mga pagkakamali ninyo. Mga baha, init, lindol – mga paalala na may hangganan ang lahat,” saad niya.