Nakiisa ang BINI member na si Aiah Arceta sa pamamahagi ng relief goods para sa mga naapektuhan ng magnitude 7.4 na lindol na yumanig sa Manay, Davao Oriental.
Sa pamamagitan ng kanyang charity organization na Aiahdvocacy at sa tulong ng 7th Air Reserve Center ng Philippine Air Force, nakapamahagi sila ng 500 relief packs, 500 pieces ng sakoline, 1,000 pieces ng bottled water, at 500 pieces ng blankets.
DAGHANG SALAMAT, BINI AIAH! 🥹💙
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) October 21, 2025
BINI member na si Aiah, nakiisa sa pamamahagi ng mga relief goods para sa mga naapektuhan ng magnitude 7.4 na lindol na yumanig sa Manay, Davao Oriental. pic.twitter.com/cX5tzc48qr
Ayon kay Aiah, bagama’t saglit na panahon lamang siya nasa Davao, “fulfilling” naman ang makatulong sa kanyang kapwa.
“Another beautiful outcome when cumulative efforts go hand in hand. Big thanks to my team, Aiahdvocacy, team AiahOFC, team Davao Blooms, and the Davao Air Force team for helping me with this,” pasasalamat niya.
“I only had a day to be in Davao, but it was very productive and fulfilling,” dagdag pa niya.
Kasabay nito, nagpasalamat din ang 7th Air Reserve Center para sa naging initiative ni Aiah.
“A heartfelt thank you to Bini Aiah and her team, and to the dedicated men and women of the PAF along with our committed reservists, and all the generous individuals who continued to extend their support to our brothers and sisters in Davao Oriental,” mensahe nila.
“This collaboration brought not only the much-needed aid but also a renewed message of hope to affected families, showing that sustained service and heartfelt support can make a lasting impact,” dagdag pa nito.
Matatandaan na una nang nag-donate si Aiah ng mga relief goods para naman sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu.