Malungkot na inanunsyo ng Irish rock band na Kodaline na nakatakda na silang mag-disband.
Sa isang Instagram post, sinabi ng Kodaline na “bittersweet” din para sa kanila ang disbandment.
“After over a decade together, we’ve made a difficult decision to say good bye to Kodaline. We know this might come as a surprise, and it’s definitely bittersweet for us too,” saad nito sa kanilang statement.
“What we’ve shared with you has changed our lives forever. From busking on the streets of Dublin, to playing shows across the world, it really has been the stuff that dreams are made of,” dagdag pa nila.
Ayon sa Kodaline, bago ang kanilang disbandment, nakatakda silang mag-record pa ng kanilang 5th and final album.
“We want it to end on a high, so before we say good bye, we’re heading into the studio one last time to record our 5th and final album as Kodaline,” pahayag nila.
Kasabay nito, nagpasalamat din ang Kodaline sa suporta na kanilang natanggap mula sa mga fans sa loob ng halos isang dekada.
“We are, and always will be forever grateful for your love and support. It’s been a journey that we’ll never forget,” saad nila.
“We hope the music stays with you long after we’re gone,” dagdag pa nito.
Binubuo ang Kodaline ng mga members na sina Steve Garrigan, Vincent (Vinny) May, Mark Prendergast, at Jason (Jay) Boland.
Kilala sila sa kanilang mga hit songs na “All I Want,” “High Hopes,” “Brother,” “The One,” at iba pa.
Kaugnay nito, matatandaan na makailang beses din pumunta ang nasabing banda sa Pilipinas upang mag-concert.
Taong 2018 nang pumunta sila sa Pilipinas para sa Wanderland Music and Arts Festival. Nagkaroon din sila ng solo concerts sa bansa noong taong 2019 at nito lamang 2023.