Nakatakdang mag-release ang K-pop group na SEVENTEEN ng “Our Chapter” docuseries bilang pagdiriwang sa kanilang 10th anniversary.
Sa teaser trailer na inilabas ng nasabing K-pop group, featured sa naturang docuseries ang kanilang journey mula nang sila’y nag-debut noong May 26, 2015.
Makikita rin dito ang kanilang journey mula sa kanilang recent concert na “SEVENTEEN RIGHT HERE” at ang behind-the-scenes ng production ng kanilang recent album na “Happy Burstday.”
“This 10th-anniversary documentary series captures SEVENTEEN’s candid stories,” saad ng PLEDIS Entertainment, ang agency ng SEVENTEEN, sa isang statement.
“Finding their own answers through a ten-year journey, SEVENTEEN tell their story for the first time,” dagdag pa nito.
Nakatakda namang mag-premiere sa Disney Plus ang six-part docuseries sa November 7.
Ipapalabas ang mga susunod na episodes sa November 14, 21, at 28.
Matatandaan na una nang nag-release ng documentary na “Hit The Road” ang SEVENTEEN noong 2020.
Samantala, sa kasalukuyan ay nasa United States ang nasabing K-pop group para sa US leg ng kanilang “NEW_” tour.