Nagsalita na ang TV personality na si Kim Chiu matapos niyang ma-mispronounce ang pangalan ng OPM band na IV of Spades makaraang mag-guest ang mga ito sa noontime show na It’s Showtime.
Sa isang episode ng It’s Showtime na umere nitong September 11, nabanggit ni Kim ang pangalan ng IV of Spades bilang “I.V. of Spades,” imbes na “Four of Spades.”
Kim Chiu: "Congratulations "I" "V" of spades."
— Sarcastic Risen (@sarcastic_ph8) September 11, 2025
Them: 😶😶😶😶😶😶😶😶 pic.twitter.com/STj9p8mZtp
Sa kanyang post sa social media platform na X, sinabi nito na mas marami pang bagay na kailangang pagtuunan nang atensyon maliban sa pag-mispronounce niya ng pangalan ng nasabing OPM band.
Let me just clear this out. Bilang mahilig ata tong acct na to sa “clout”. Honest mistake, diko talaga sila kilala. Kung naitama ko yung pangalan nila. May magbabago ba? Mababalik ba satin yung ninakaw na TAX natin? I think there is much more problem in PH now than this na mas… https://t.co/8KeuwzdG2Z
— kim chiu (@prinsesachinita) September 13, 2025
“Honest mistake, di ko talaga sila kilala. Kung naitama ko yung pangalan nila. May magbabago ba? Mababalik ba satin yung ninakaw na TAX natin? I think there is much more problem in PH now than this,” saad ni Kim.
“Right now, there are far bigger problems in our country and even in our own lives than nitpicking on small things like this,” dagdag pa niya.
Kasabay nito, nagbahagi rin ng personal experience si Kim patungkol naman sa pag-misspell ng kanyang apelyido.
“Ako nga, my surname is often misspelled as Chui instead of Chiu. Pero never ko naman pinapalaki or ginagawang issue. Ang hirap sa iba, instead of lifting each other up, we pull one another down. Crab mentality,” wika niya.
Panawagan ni Kim sa mga netizens, sa ngayon ay mas kailangan pagtuunan ng pansin ang mga problema sa bansa.
“Mas kailangan ng bansa natin ang boses mo doon,sa tunay na laban, sa tunay na problema, sa tunay na kalaban. Pare-pareho tayong lumaban sa buhay ng patas. Be considerate. Be kind,” pahayag niya.
Matatandaan na nag-comeback ang IV of Spades nito lamang July 2025.
Matapos ang kanilang comeback, nakapag-release na ang nasabing OPM band ng mga kanta na “Aura,” “Nanaman,” at “Konsensya.”
Binubuo ang nasabing OPM band ng mga members na sina Unique Salonga, Blaster Silonga, Zild Benitez, at Badjao De Castro.