Arci Muñoz gets an autograph from BTS Jungkook

-

Tila napa-“sana all” na lamang ang mga netizens sa ibinahaging litrato ng aktres na si Arci Muñoz sa social media kung saan makikita ang isang autograph mula sa BTS member na si Jungkook.

Sa isang Facebook post ni Arci nitong September 2, inihayag niya ang kanyang excitement matapos makakuha ng autograph mula kay Jungkook.

“Not my birthday but…… waaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Only BTS Army would know,” saad nito sa kanyang post.

Samantala, kumalap naman ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens ang naturang post.

“Deserve na deserve maam. Sooo happy for you,” wika ng isa.

“Living the dream talaga yan siya,” dagdag pa ng isa.

Kilala si Arci bilang isang certified “army” o BTS fan.

Sa isa niyang Instagram post, nag-throwback ang aktres ng ilan niyang mga video clips mula sa pinuntahan niyang BTS concerts.

“My baliw baliwan era. Thank you!! #bts,” pahayag nito sa kanyang post.

Samantala, matatandaan na kamakailan lamang ay na-discharge si Jungkook mula sa kanyang mandatory military service.

Sa kasalukuyan ay naghahanda naman ang BTS para sa kanilang upcoming group comeback.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE