‘I will not waste this chance’: Paolo Contis reunites with daughters Xalene and Xonia

-

Feeling grateful ang aktor na si Paolo Contis matapos niyang muling makasama ang kanyang mga anak na sina Xalene at Xonia.

Sa isang Instagram post ni Paolo nitong August 7, nagpasalamat siya sa kanyang ex-wife na si Lian Paz para sa pagkakataon na muling maka-bonding ang kanyang mga anak.

“I want to take this opportunity to thank you for allowing Lian and my kids nung araw na to,” pahayag ni Paolo sa kanyang post.

Kasabay nito, nagpasalamat din si Paolo kay Lian para sa pag-nurture sa kanilang mga anak.

“You have always been kind and forgiving. This is why hindi kayo pinabayaan ni Lord. I appreciate all your efforts in talking to John about that day. Thank you for being strong and for how you nurtured the kids to have beautiful hearts,” mensahe ni Paolo kay Lian.

Maliban kay Lian, nagpaabot din ng pasasalamat ang aktor sa current partner ni Lian na si John Cabahug. Dito, nangako si Paolo na pananatilihin niya ang “constant communication” sa pamilya nina Lian.

“John, I cannot thank you enough for this chance. I promise to have a constant communication sa inyong lahat. I will not waste this chance. Thank you for taking care of the kids. Please know that I am always here para sa inyong lahat. To more precious days like this,” wika niya.

Sa naturang post, nag-iwan naman ng isang komento na bible verse si Lian.

“Romans 8:28 And we know that for those who love God all things work together for good, for those who are called according to his purpose,” saad niya.

Kasabay nito, sinabi ni John na naniniwala siya na isang “good man” si Paolo.

“I know you’re a good man and I will also treasure our friendship. Andito lang kami, God bless Pao!” pahayag ni John.

Matatandaan na ikinasal si Paolo at Lian noong taong 2009, ngunit naghiwalay sila noong taong 2012.

Samantala, matatandaan din winithdraw ni Lian ang isinampa niyang annulment case laban kay Paolo noong taong 2024.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE