Opisyal nang ipinakilala ng BIGHIT Music ang kanilang pinakabagong boy group na CORTIS.
Ayon sa naturang talent agency, binubuo ang CORTIS ng mga members na sina Martin, James, Juhoon, Seonghyeon, at Keonho.
Nakatakda silang mag-debut sa August 18, 2025.
Sa isang post nitong August 7, makikita ang teaser kung saan nasa isang recording studio ang mga CORTIS members.
@cortis_bighit MARTIN JAMES JUHOON SEONGHYEON KEONHO LETS GO CORTIS #CORTIS #코르티스 ♬ 오리지널 사운드 – CORTIS
Kasabay nito, opisyal na ring inilunsad ng naturang talent agency ang social media accounts at Weverse community ng CORTIS.
Sa isang statement, inilarawan ng BIGHIT Music ang CORTIS bilang isang “young creator crew.”
“CORTIS [is] a young creator crew where all members work collaboratively in a co-creative process, not limited to specific roles, including songwriting, composing, choreography, and videography” wika nito.
“Join CORTIS on their journey as they present fresh and original music and content based on their own stories,” dagdag pa nito.
🎼CORTIS
— CORTIS (@cortis_bighit) August 6, 2025
🔗 https://t.co/ZDuyqVXqt3#CORTIS #코르티스 pic.twitter.com/Z8dPkNoz8N
Ang CORTIS ay ang kauna-unahang boy group na ila-launch ng BIGHIT Music matapos ang halos anim na taon, kasunod ng pag-debut ng K-pop group na Tomorrow X Together (TXT) noong taong 2019.
Kilala ang BIGHIT Music bilang record label at talent agency ng K-pop groups na BTS at TXT.