Pinabulaanan ng BIGHIT Music, ang agency ng K-pop boy group na BTS, ang mga kumakalat na reports patungkol sa umano’y participation ng nasabing K-pop group sa upcoming tribute album para sa late American singer na si Michael Jackson.
Matatandaan na nitong August 3, iniulat ng isang Ireland-based publication na bumisita ang BTS sa Grouse Lodge Studio sa Ireland upang mag-record ng track para sa upcoming tribute album.
Ayon naman sa inilabas na statement ng BIGHIT Music nitong August 5, hindi umano totoo ang mga kumakalat na reports patungkol dito.
[공지] ‘방탄소년단의 마이클 잭슨 헌정 앨범 참여’ 관련 안내 (+ENG) pic.twitter.com/3jdsWtd41t
— BTS_official (@bts_bighit) August 5, 2025
“BTS has neither visited Grouse Lodge Studio in Ireland nor taken part in any recording sessions at the location for the mentioned project,” saad ng BIGHIT Music.
“The group is not involved in the tribute album in any capacity,” dagdag pa nito.
Pahayag pa ng agency, kasalukuyan silang nagsasagawa ng “appropriate measures” upang mapigilan ang pagkalat ng inaccurate information.
“We are continuing to take appropriate measures to prevent the spread of inaccurate information,” pagpapatuloy nila.
“We express our sincere gratitude to fans for continuously showing support for BTS. We remain fully committed to supporting the artists and their endeavors,” pahayag pa nito.
Samantala, kasalukuyan namang nasa Los Angeles ang mga BTS members upang mag-work sa kanilang comeback album na irerelease naman sa taong 2026.