Comedians MC, Lassy open up about gambling addiction and how they overcame it

-

Nag-open up ang mga komedyante na sina MC Muah at Lassy Marquez patungkol sa pinagdaanan nilang gambling addiction mula noong taong 2011 hanggang 2016.

Sa vlog na Toni Talks, ibinahagi ni MC na nagsimula ito noong mayroon umanong nag-encourage sa kanya na magsugal.

“May nanghikayat sakin… sa Casino. Iba ’yung saya eh pag papunta ka pa lang do’n, tapos pag natalo ka na, pag pauwi, parang du’n ka magsisisi,” kwento ni MC.

“Siya kasi (Lassy), one time, sumama lang. Eh binigyan siya ng panalo. Pero pinigilan ko siya, sabi ko, ‘Huwag. Lahat ng [nagsusugal], wala nang magiging kontrol,” saad pa niya.

Ayon kina MC at Lassy, dumating sa point na hindi na sila umano nakakatulog dahil naadik na sila sa pagsusugal.

“Halimbawa, nag-show kami ng gabi, so diretso kami do’n ng madaling araw, aabutin ng umaga, tanghali, hapon. Uuwi lang, maliligo, [tapos] show ulit,” wika ni Lassy.

Dito, ini-reveal nina MC at Lassy na minsan silang nakatalo ng halos P800,000 sa isang gabi lamang.

Sa loob ng halos limang taon, tinataya na nasa P10-million ang kanilang natalo sa sugal.

On how they overcame it

Matapos maadik sa sugal, sinabi ni MC na dumating sa point na nakita niyang halos P3,000 na lamang ang natira sa kanyang bank account.

“Nakita ko talaga ’yung bank account ko, P3,000 ang natira,” saad ni MC.

Kwento naman kay Lassy, dahil sa sugal, nagsimula na siyang magkaroon ng utang at naisangla niya rin ang kanyang mga alahas.

“Naapektuhan din ‘yung mga bayarin ko, na napunta rin ako sa pangungutang at pagsasangla [ng mga alahas],” wika ni Lassy.

Dito, nagsimula nang magsumikap sina MC at Lassy na magbagong buhay sa pamamagitan ng pag-quit sa pagsusugal.

“’Yung turning point ko, parang ‘Tumatanda na ko sa comedy bar.’ Kasi makikita mo ’yung pangalan namin, nasa tuktok ng signage, pero kami ’yung pinakawalang ipon,” pagbabahagi ni MC.

“[…] Du’n ko [na-realize] na ayokong tumanda nang ganito,” saad niya.

“Nagdadasal kami no’n, sabi ko, ’Lord, alam kong may edad na ko nang konti, pero bigyan mo pa ko ng isa pang chance para maging okay ‘yung buhay ko.’ Ta’s after mga ilang linggo… may tumawag. ’Itong raket na ‘to, kikita kayo nang ganito kalaki.’ Sabi ko, ‘Lord, salamat,’” pagpapatuloy pa niya.

Pagbabahagi naman ni Lassy, simula noong taong 2018 ay nagsimula na siyang muling mag-ipon upang makabili ng bahay.

“[Naisip ko], ‘Oo nga ’no, tumatanda na ko. Gusto ko na ayusin buhay ko, gusto ko na magkaroon ng bahay.’ ‘Yun na, 2018, nagsimula ako mag-ipon nang mag-ipon,” wika niya.

Matapos mag-quit sa pagsusugal, aminado si MC na ngayon lamang sila naka-experience ng financial freedom.

“Ngayon lang namin nakuha ’yung financial freedom na tinatawag,” pagbabahagi niya.

“’Yung matutulog ka, wala kang iisipin. Ang iisipin mo lang, ’Oh, pa’no pa magiging matino ang buhay mo,’” dagdag pa nito.

“Hindi kami proud dito ah, kaya namin kinikwento ’to para kung sakaling nasa sitwasyon sila, [umalis na sila],” saad niya.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE