“Parang ‘di ko naman po sinabi ’yan.”
Ganito ang naging pahayag ng aktres na si Nadine Lustre matapos niyang i-call out ang isang Facebook page kaugnay sa isang viral quote card na gumagamit ng kanyang pangalan.
Sa naturang post, makikita ang “quote” na sinabi umano ni Nadine patungkol sa topic ng “mirror method.”

Paglilinaw ng aktres, hindi niya umano sinabi ang quote na ito.
“’Tong mga chismis blogs na ’to makapag post lang talaga ng content eh.. Baka sa Q4 buntis nanaman ako ha?” saad ng aktres.
“’Di ko nga alam kung ano yung mirror method na yan. Alam ko lang mirror mirror by M2M,” pabirong hirit pa niya.
Kasabay nito, matapos niyang i-call out ang isang page, naglabas din ng pahayag si Nadine patungkol sa usapin ng “mirror method.”
“Just my two cents on the matter tho… I honestly don’t believe in mirroring coldness just because someone chose to forget, ignore, or not show up,” saad niya.
Ayon sa aktres, nararapat lamang na piliin pa rin na maging mabuti sa kapwa.
“Para sa akin, hindi mo kailangang suklian ang kakulangan ng iba. Mas mahalaga pa rin na piliin mong maging mabuti, kahit walang kapalit. Because kindness isn’t for them, it’s for YOUR soul,” pahayag ng aktres.
“If sinaktan ka, and it’s gotten to the point where you no longer speak, still… always wish them well. You can cut them off. You don’t have to go back. You don’t have to reconnect. But you can let go with love. You can walk away without carrying heaviness in your heart,” dagdag pa nito.
“Take care of your soul, not your ego. Remember, hindi yung kapwa mo yung nagkkeep tabs, It’s the universe. So keep choosing light. Keep choosing love. That’s where true healing lives. Trust me, life is so much better when you do this,” wika niya.