Inamin ng former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Klarisse De Guzman na minsan niyang naramdaman na “napag-iiwanan” siya sa kanyang career bago siya pumasok ng Bahay ni Kuya.
Sa isang vlog ni Vice Ganda kung saan kasama niya si Klarisse, nag-open up ang ex-housemate patungkol sa kanyang “insecurity.”
’NANDUN ’YUNG MGA TIMES NA KAPAG LALABAS KAMI, FEELING KO, AKO ‘YUNG 'DI NILA KILALA’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) July 14, 2025
Ganito ang ibinahagi ng Pinoy Big Brother (PBB) ex-housemate at singer na si Klarisse De Guzman sa isang vlog ng TV host na si Vice Ganda. pic.twitter.com/rbFsIVil8J
“‘Yan ’yung insecurity ko before, feeling ko parang wala masyadong may gusto sakin,” pahayag ni Klarisse.
“Nandun ’yung mga times na kapag lalabas kami, feeling ko, ako ’yung di nila kilala. Feeling ko dati, napag-iiwanan ako. Ang bobongga na ng career nila, solo concerts, tour. Ako, feeling ko, nandun lang, kumbaga second option. ‘Pag hindi sila available, nandun ako,” saad niya.
“’Pag nagsho-show kami, iba ’yung hiyaw sa kanila. Hanggang sa nasanay na lang din ako. Tinanggap ko na lang siya na ’Ah, baka hanggang du’n lang talaga ako,” dagdag pa niya.
Sa pag-look back ni Klarisse sa kanyang naging journey, grateful siya na hindi siya sumuko sa mga pagsubok na kanyang pinagdaanan.
“Mahirap yung proseso, ang dami kong pinagdaanan. Nandun ’yung times na feeling ko kailangan ko na ata maghanap ng ibang work,” dagdag pa niya.
“Buti na lang talaga hindi ako sumuko. Naghintay ako,” pahayag niya.
Ayon kay Klarisse, sa ngayon ay feeling grateful siya sa suporta at pagmamahal na natatanggap niya mula sa mga fans.
“Mas minahal ako ngayon ng mga tao, may mas nagmamahal sakin ngayon,” saad niya.
“’Ngayon, nagugulat ako, kahit Gen Z, tawag sakin, ’Mowm! Mowm!’ Nakakatuwa,” pagpapatuloy niya.
Kasabay nito, sinabi ng singer na maraming doors of opportunity din ang nagbukas matapos ang kanyang PBB stint.
“‘Yung mga naiimagine ko lang dati, ngayon nagkakatotoo na,” pahayag niya.
“Totoo talagang may perfect timing si God para sa lahat,” dagdag pa ng singer.