Nagsalita na ang aktres na si Kyline Alcantara patungkol sa kanilang naging breakup ng basketball player na si Kobe Paras.
Sa isang panayam kay Kyline sa programa na “Fast Talk with Boy Abunda,” inilarawan niya ang kanilang past relationship ni Kobe bilang isang “beautiful experience.”
‘IT’S JUST THAT, WE’RE TWO DIFFERENT PEOPLE. AND THAT’S OKAY’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) July 15, 2025
Ito ang inihayag ng aktres na si Kyline Alcantara kaugnay sa kanilang naging hiwalayan ng basketball player na si Kobe Paras. pic.twitter.com/kz5t3u7AWO
“It was a beautiful experience. I felt really happy. I felt really loved,” pagbabahagi ni Kyline.
“It’s just that, we’re two different people. And that’s okay. I’ve learned a lot of lessons in that relationship, and I will always treasure every experience or achievements po na nagawa naming dalawa,” pahayag niya.
Pagbabahagi ng aktres, kaya hindi niya pinili magsalita noong kasagsagan ng isyu ng kanilang breakup dahil may respeto pa rin siya sa kanyang dating partner.
“Kaya hindi po ako nagsalita kasi I still have respect for him as a person, despite everything that happened. And sa lahat naman po ng mga tao na nasaktan ako, I will always show them grace,” paliwanag niya.
“I’m not gonna lie, at first po, there’s bitterness. But ngayon po, wala na, kasi again, you cannot be bothered by the things you cannot control,” wika niya.
Kaugnay nito, ibinahagi naman ni Kyline ang mga lessons na kanyang natutunan mula sa kanyang past relationship.
“Knowing your boundaries and having self-respect. Siguro, ayan po yung dalawang importanteng natutunan ko sa relationship na ’yon,” saad niya.
Ayon kay Kyline, sa kasalukuyan ay patuloy siyang nagmo-move forward sa buhay.
Laking pasasalamat din ni Kyline sa aktres na si Barbie Forteza dahil tinulungan siya umanong mag-move on nito.
“Si Barbie po talaga, iba po talaga siya. She just gave me my confidence back. She made me realized na ‘Ikaw muna, mare,’” pahayag niya.
“Hindi ko siya kailangan tawagan para pumunta siya sa bahay,” wika niya.
“’Yung relationship po namin ngayon ni Barbie, it’s more than co-workers, it’s really beyond that,” dagdag pa nito.