Nilinaw ng former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Will Ashley De Leon na hindi umano nagkaroon ng “love triangle” sa pagitan nila nina Dustin Yu at Bianca De Vera sa loob ng Bahay ni Kuya.
Sa isang exclusive interview ng GMA Integrated News kay Will, sinabi niya na alam din ng housemates na walang “love triangle” sa loob ng PBB house.
'WALA PONG NAGING [LOVE] TRIANGLE TALAGA SA LOOB NG BAHAY'
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) July 9, 2025
Ganito ang inihayag ng former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Will Ashley De Leon matapos siyang matanong patungkol sa mga ex-housemates na sina Bianca De Vera at Dustin Yu. pic.twitter.com/izup09PTEq
“To be honest, wala pong naging [love] triangle talaga sa loob ng bahay, alam po lahat ng mga housemates ’yan,” saad ni Will.
Ayon kay Will, marahil kaya umano sila shiniship ni Bianca ng mga netizens dahil nagkaroon sila ng project sa series na “Unbreak My Heart” noong taong 2023.
“Siguro po kasi nagkaroon din po kami ng work together,” pahayag niya.
Pagbabahagi ni Will, masaya siya sa naging kwento nina Dustin at Bianca sa loob ng Bahay ni Kuya.
“Support ko sila… Masaya ako sa naging storya nilang dalawa, at ’yun nga, kagaya ng sinasabi ko sa mga housemates, sana talaga madala nila talaga sa labas po,” pahayag pa nito.
Dagdag pa ng aktor, open din siya na makatrabaho si Bianca in the future.
Matatandaan na hinirang si Will before 2nd Big Placer ng PBB Celebrity Collab Edition kasama ang kanyang ka-duo na si Ralph De Leon.
Sa kasalukuyan, feeling grateful naman si Will para sa suporta na kanyang natatanggap mula sa mga fans.
“Maraming salamat po sa inyong mainit na pag tanggap! I love you from the bottom of my heart!” mensahe niya.