Ini-reveal ng former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Shuvee Etrata ang kanilang real score ng kanyang “TDH” na si Anthony Constantino.
Matatandaan na naging usap-usapan sa social media kamakailan ang ginawang pagpapakilala ni Shuvee kay Anthony bilang kanyang “TDH.”
“Guys, nandito na po yung TDH ko! Tall, check! Dark? So check! Handsome? Grabe guys!” saad ni Shuvee matapos siyang surpresahin ni Anthony sa kanyang Unang Hirit guesting.
Ayon kay Shuvee, nanliligaw umano si Anthony bago pa siya pumasok ng Bahay ni Kuya.
“Nanliligaw ’yun bago ako pumasok [sa PBB]. Tapos sabi talaga nito, ’Sige, sagutin mo ‘yan. Bawal.’ Kasi papasok eh, it’s the worst thing you could to a man, saying yes na papasok ka ng PBB,” pagbabahagi ni Shuvee sa isang interview ng GMA Integrated News.
“So ang hirap, I can just imagine, kung merong kami, kasi kahit nandun ako sa loob, hirap na hirap ako. Wala kong something to hold on to,” saad niya.
Kwento ni Shuvee, sa ngayon ay nais pa niyang kilalanin nang mas maigi si Anthony.
“Gusto ko pa siyang kilalanin. Manligaw muna pa siya,” pahayag niya.
Pagbabahagi naman ni Anthony, nagustuhan niya ang pagiging kind-hearted ni Shuvee.
“Shuvee really wears her heart on her sleeve. And with everybody she has great intentions for every single person she meets. So I think her great heart is what I love the most aside from her being very very pretty talaga. Ang ganda [niya],” wika ni Anthony.
Kaugnay nito, matatandaan na naging usap-usapan din ang ginawang pagsundo ni Anthony kay Shuvee matapos nitong ma-evict sa PBB.
“My intention was just to be there to really support Shuvee and Ate Klarisse as well. As it was an unexpected eviction, so I really just wanted to be there and show my love,” pahayag ni Anthony.
Matatandaan na lumabas ng PBB house si Shuvee nito lamang June 14, 2025.
Kasama niyang na-evict ang kanyang ka-duo na si Klarisse De Guzman.