Nag-open up ang aktres na si Kylie Padilla patungkol sa kanyang mga struggles bilang isang single mother.
Sa isang exclusive interview ng GMA Integrated News kay Kylie, nabanggit nito ang patungkol sa pag-deal niya sa depression.
‘IT’S HARD TO HAVE DEPRESSION WHILE RAISING TWO KIDS’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) June 20, 2025
Ito ang ibinahagi ng aktres na si Kylie Padilla matapos mapag-usapan sa isang panayam ang patungkol sa struggle ng pagiging single mom. pic.twitter.com/GcecsX5Qri
“It’s hard to have depression while raising two kids. Kasi minsan, inaatake ako, and nandyan sila, may kailangan sila, so kailangan kong isantabi yung nararamdaman ko,” saad ng aktres.
“And I don’t have a partner to help me. So iiyak mo na lang. Wala nang ibang sagot eh. Ilabas mo. Tago ka sa CR. Then pag okay ka na, isang hinga lang, ‘Yes, nak, what do you need?’ Ganun. It’s my reality,” dagdag niya.
Sa kabila ng kanyang mga struggles, sinabi ni Kylie na grateful siya para sa kanyang mga anak na sina Alas at Axl.
“But then naman, may reward talaga kasi napaka-caring ng mga anak ko. They’re very empathetic. They write me letters… Niyakap nila ko,” pahayag niya.
Dito, ibinahagi rin ni Kylie ang heartwarming story sa likod ng kanyang doodle tattoo.

“This tattoo, ’yun ’yung kwento ng tattoo na ’to. Ito ’yung nakatulala lang ako sa bed, ta’s nag-do-drawing sila, and then wala, binigay lang ni Alas. May [note na] ‘For mama.’ Ta’s sabi niya, ‘Open this mama,’ ta’s ’yun na. Naramadaman niya eh na malungkot ako,” saad niya.
Ayon sa aktres, matapos ang lahat ng kanyang pinagdaanan, nanatiling positive ang kanyang outlook sa buhay.
“My unhealed version [of myself] would say na I do have trauma. But I’m a very hopeful person kasi, and I’m trying to forgive and forget everything,” pahayag nito.
Kasabay nito, umaasa umano si Kylie na magkaroon siya ng “healthier” at “happier” na marriage life balang araw.
“No one naman wants to grow old alone. Gusto ko palitan ’yung narrative ko. I’m hopeful to have a healthier, happier marriage, and someone who can complete my little family and take care of us, and love them as much as I love them,” wika pa ng aktres.