Nilinaw ng isang local baker na hindi umano nagkakahalaga ng 2 million ang wedding cake nina Zeinab Harake at Bobby Ray Parks Jr.
Ito ay matapos kumalat ang iba’t ibang rumors sa social media patungkol sa presyo ng naturang wedding cake.
Sa isang post ng Honey Glaze Cakes, sinabi niya na “false” at “inaccurate” umano ang mga rumors na ito.
“Contrary to circulating rumors regarding the Wedding Cake of Zeinab and Ray Parks’ Wedding, the cake was NOT an extravagant 2 million creation,” wika nito sa kanilang post.
“While we appreciate the enthusiasm and attention surrounding our cake, we must clarify that such claims are false and inaccurate,” saad pa nito.
Kasabay nito, sinabi rin ng Honey Glaze cakes na committed sila sa paggawa ng wedding cakes na within reasonable budget ng kanilang mga kliyente.
“Honey Glaze Cake would like to reaffirm our commitment to delivering exceptional wedding cakes that fulfill our clients’ dreams within a reasonable budget,” pahayag nito.
“We take pride in our craftsmanship and attention to detail, ensuring that each creation is both stunning and delicious,” dagdag pa nito.
Maliban dito, pinayuhan din ng Honey Glaze cakes ang publiko na maging maingat sa pagpapakalat ng impormasyon online.
“We urge the public to be cautious of misleading information regarding our services and pricing,” saad nila.
Matatandaan na ikinasal si Zeinab kay Ray nito lamang June 1, 2025.
Ginanap ang kanilang wedding sa isang private events place sa Tagaytay City.