‘Napaka-expensive’: Karina Bautista explains why she chose not to attend ABS-CBN Ball

-

Ipinaliwanag ng aktres na si Karina Bautista na napag-desisyunan niyang hindi um-attend ng ABS-CBN Ball upang makatipid.

“Tinimbang ko rin, kasi kilala niyo naman ako, love kong rumampa and umawra, and every year, we have been serving looks on every carpet, plus exposure tyaka networking na rin, ’di ba? Kaso financially, napaka-expensive niya ha,” saad niya sa isang TikTok video.

“Of course yung glam team, that doesn’t come cheap ha. Kasi biruin mo naman, ang ganda ko every time, so syempre, kailangan ko rin palitan yon ng monetary value,” dagdag niya.

Kaugnay nito, ibinahagi rin ng aktres na ayaw niyang mabaon sa utang at inilista ang mga pinagkakagastusan niya sa kasalukuyan.

“Nag-decide na ko as your independent girlie, and hindi rin naman tayo anak ni Henry Sy, na mag-pass muna para makatipid. And ayoko rin naman kasing magka-utang, dahil hate na hate ko po yan,” pahayag niya.

“Right now, ang dami ko kasing pinapagawa, pinapaayos sa lupa, dito sa business, sa kwarto ko, dahil ginawa kong pang-podcast soon. So bagong bili ng ilaw and everything,” pagpapatuloy pa nito.

Sa kabila nito, sinabi naman ni Karina na umaasa siyang makaka-attend na siya sa mga susunod na events.

“Promise, babawi tayo sa next ball, dahil for sure, marami pa naman tayong chances dahil yearly naman yan,” pahayag nito.

Kumalap naman ng iba’t ibang komento ang mga netizens sa TikTok video ng aktres.

“Love the honesty and the humility aminin na ’di pasok sa budget,” wika ng isang netizen.

“I love this! Loud budgeting. Giving a glimpse on the reality of the life of being an artista. See you sa next ball,” dagdag pa ng isa.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE