Video of emotional little girl after her lola’s passing goes viral on social media

-

A mother couldn’t help but become emotional when she recalled the moment her daughter cried after missing her grandmother who passed away last October 2024.

“Noong nakaburol po ang mama ko, hindi ko po nakitang umiyak si Micai. Dumungaw siya, sinilip niya ‘yung lola niya, pinakita niya pa ‘yung laruan na naglalaro lang talaga sila.Nilibing ‘yung nanay ko, hindi ko nakitang umiyak si Micai,” Mommy Melgert Atienza told The Philippine STAR/LatestChika.com.

“Lumipas ‘yung 40 days ni mama, wala, hindi talaga umiyak si Micai noon. Siguro nga hindi pa talaga nila alam ‘yung meaning ng death, ‘yung na-miss niya na lang bigla ‘yung lola niya noong time na ‘yon,” she added.

At that time, it was also hard for Mommy Melgert to comfort her daughter, Micai, since she was also longing for her mother’s presence.

“Noong time na naglalaro siya, nagulat na lang ako bigla siyang umiyak sa harap ko, sabi niya nami-miss niya na nga raw po si lola. Hindi ko nga po alam kung paano ko siya ia-approach. Kung paano ko siya iko-comfort kasi kahit ako noong time na ‘yon sobrang nasasaktan. Kasi noong nakaburol ‘yung nanay ko noon, iniiwasan ko rin talagang nasa tabi niya,” she recalled while crying.

Adding, “Speechless po talaga ako noong nakita kong umiiyak si Micai. Kasi nga durong na durog pa ako noong time na ‘yon eh. Gustong-gusto ko na umiyak pero kapag pinakita ko kasi sa kanila na mahina ako, na umiiyak ako, baka mag-iyakan na lang din kami. Niyakap ko na lang siya kasi wala na talaga ako masabi. Tinanong ko siya kung, ‘Love love mo si Lola?’ ‘Oo, love love ko si Lola.’”

Mommy Melgert said that Micai is a certified lola’s girl after they stayed in the same house for a while after her daughter’s father worked abroad.

“Kahit malayo ‘yung tatay ni Micai, ‘yung pagmamahal na hahanapin niya sa tatay, pinunan talaga ng nanay ko, pinunan talaga ng mga magulang ko. Hindi lang pinunan, kung hindi sobra-sobra.Si Micai kasi talagang, malambing sa lola niya. Mapagbiro, lagi niyang inaasar ‘yung lola niya. Tumagal kaming tumira sa parents ko, kaya ‘yung sweetness nila, ‘yung closeness nila, talagang solid,” she stressed.

Describing her mother, Josie, Mommy Melgert said that she showed nothing but great love to her children and grandchildren.

“Nanay ko sobrang mapagmahal. ‘Yung walang-wala na siya pero ibibigay niya pa rin. Sobrang maasikaso, pamilyado na ko pero talagang ibibigay niya pa rin ‘yung suporta, pagmamahal sa akinKahit na nagkakasakit ako, kahit na nakabukod na kami noong time na ‘yon,pupuntahan niya pa rin ako sa bahay para asikasuhin ako.  Alam niyang walang mag-aalaga sa mga anak ko. Hihilutin niya ako, sisiguraduhin niya na okay ako, na makakakain ako,” Mommy Melgert emotionally shared.

It was in 2018 when Lola Josie first experienced stroke. After six years, she was diagnosed with Bell’s palsy.

“Ang sabi po kasi sa amin ng doktor, sa pangatlong stroke niya is kritikal na po talaga ‘yun na dapat naming bantayan, which happened nga po noong October 31st, 8 ng gabi po, inatake po ulit si mama, ‘yun na po ‘yung hindi na talaga siya naka-survive,” she said.

Mommy Melgert has a message to fellow families who are grieving for their lost loved ones.

“Hindi mo matatakasan ‘yung lungkot, ‘yung pangungulila, ‘yung araw-araw mami-miss mong may magdadala sa’yo ng ulam. ‘Yung araw-araw mami-miss mo may mangungulit sa’yo, sobra. Sa mga katulad namin na nangungulila sa mahal namin sa buhay, wala naman tayong ibang kakapitan kung ‘di ‘yung nasa itaas lang. Isipin na lang natin kapiling na nila ‘yung Diyos. Wala nang paghihirap, wala nang gutom, wala nang pasakit,” she noted while wiping her tears.

Janelle Lorzano
Janelle Lorzano
Janelle Lorzano likes long walks on the seaside and listening to people about their lives. When she isn't writing, she travels and discover new places.

Latest

YOU MAY LIKE