Good news, ARMYs!
Inanunsyo ng BIGHIT Music na nakatakdang pumunta sa Pilipinas ang BTS member na si J-hope para sa kanyang upcoming “HOPE ON THE STAGE” tour.
ARMYS! BTS J-HOPE IS COMING TO MANILA! 🤩💜
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) January 10, 2025
BTS member na si J-hope, nakatakdang pumunta sa Pilipinas para sa kanyang “HOPE ON THE STAGE” tour na gaganapin sa April 12 at 13, 2025, sa SM Mall of Asia Arena.
(Weverse/BTS) pic.twitter.com/ksrkqA2qpg
Ayon sa kanilang anunsyo nitong Januay 10, gaganapin ang concert sa April 12 at 13, sa Mall of Asia Arena.
Ito ang kauna-unahang solo activity ni J-hope matapos siyang ma-discharge sa military noong October 17, 2024.
Samantala, sa kasalukuyan ay hindi pa nag-aanunsyo ng ticket prices at seat plan para sa nasabing concert.
Kasabay nito, nag-release din si J-hope ng isang teaser para sa kanyang upcoming solo album na nakatakda namang i-release sa March 2025.
J-HOPE SOLO IS COMING SOON! 🤩
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) January 10, 2025
BTS member na si J-hope, nag-share sa Instagram ng isang teaser video para sa kanyang upcoming solo album.
“New music on the way. 2025.03,” saad niya sa kanyang post. pic.twitter.com/VwsNdLabKF
Matatandaan na huling nag-release si J-hope ng kanyang album na “Hope On The Street Vol. 1” noong 2024.