Jodi Sta. Maria announces hiatus to pursue higher education

-

Ibinahagi ng aktres na si Jodi Sta. Maria na plano niyang mag-pursue ng master’s degree in clinical psychology ngayong taon.

Sa isang exclusive interview ng ABS-CBN News, sinabi ni Jodi na pansamantala muna siyang magpapahinga sa pag-acting.

“For now, I’m taking on a short break… I am embarking on something new. And this year, I’m taking up my master’s in clinical [psychology],” wika niya.

Ayon sa aktres, naniniwala siya na meron pang life outside showbizness.

“This year, I’m taking up my master’s degree in clinical psychology. Kasi naiisip ko, as a human being, parang I can do so much more. Na parang mayroon pang life outside of showbizness. Naisip ko na, oo, I’m an actor, but I can put on another hat,” saad niya. 

Pagbabahagi pa ni Jodi, nag-e-enjoy din siya sa process ng learning. 

“Nag-eenjoy kasi ako. For some weird reason, I enjoy the feeling of being in a class. Gusto ko ’yung student ako—nakaupo, nakaka-learn ako ng mga bagong things. Parang that sparks joy in my heart. It fascinates me,” dagdag niya.

Matatandaan na noong 2021 ay nagtapos si Jodi sa kursong Bachelor of Science in Psychology sa Southville International School and Colleges sa Las Piñas City.

Kaugnay nito, ibinahagi rin ng aktres na nais niyang magtayo ng small center na naglalayong gawing accessible ang mental health care para sa lahat.

“It’s my dream to put up a small center to make mental health accessible to all—hindi lang for people na kaya magbayad, but para sa lahat. ’Yung heart ko, from the time I started studying psychology, when I did acupuncture detox and got my certification there, ’yun talaga nasa heart ko. And God willing, ’yung dream na ’yun will turn into reality,” pahayag pa niya.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE