Tila naantig ang damdamin ng mga netizens sa heartwarming story na ibinahagi ng isang bake shop sa Albay kung saan featured ang kwento ng isang tatay na naghahanap ng cake para sa pagdiriwang ng graduation ng kanyang anak.
“A familiar face, a man who visits us daily asking for scraps, came in with a special request. Today, his eldest son is graduating, and he couldn’t contain his pride and joy. He asked if we had a ₱100 cake to mark the occasion. Touched by his story and his unwavering love for his son, we gladly offered him a cake to celebrate this significant milestone,” pagbabahagi ng Lazy Baker Cupcakerie sa kanilang post.
“Happy Graduation, Lawrence! Love, Papa,” saad sa naturang dedication ng cake.
Kwento ni Alaiza, ang owner ng nasabing bake shop, hindi umano sila dalawang isip na mag-offer ng cake kay Tatay.
“‘Di po namin alam name ni Tatay kahit 2 years na po sya pabalik balik samin. Ang interaction lang po kasi namin is kukuha sya ng cake scraps, mag fist bump then aalis na po,” pahayag ni Alaiza sa exclusive interview ng PSND.
“Everyday po may display cake po kami, kaya nung pumunta po siya to buy a P100 cake, meron na po kami available. Every special occasion needs a cake po and meron kami cake, kaya ‘di na po kmi nag hesitate na ibigay kay Tatay yung cake,” pagpapatuloy niya.
Dahil dito, bilang pasasalamat para sa natanggap ng cake, nag-iwan umano si Tatay ng note.
“Madam, pag may gusto ka po ipa-work or ipalinis dito, ako na lang po, makabawi man lang po ako sa lahat na binibigay mo po sa akin hehehe. God bless your family madam,” wika nito sa naturang note.
“Yung reaction ko po nung binigay ni Tatay yung letter na touch po ako and ‘di na po ako nakasulat pa kaya sinabi ko na lang ‘Congrats po sa inyo and sa anak niyo po,’” dagdag pa ni Aliza.
“Please take note that Tatay is deaf and mute, so he communicated with us by writing down what he wanted to say. His love for his son shines through despite any barriers,” pagbabahagi pa niya.