‘Happy last day of your life’: Hilarious letter of a 7-year-old student for student teacher goes viral

-

Kumalap ng kwelang reaksyon mula sa mga netizens ang funny farewell card na inihanda ng 7-year-old student na si Chiara Assiren Sidora para sa kanyang student teacher. 

Kwento ng daddy ni Chiara na si Chino, nag-prepare umano si Chiara ng farewell letter dahil last day na sa on-the-job training (OJT) ng kanilang student teacher. 

“Biyernes ng umaga habang naghahanda ako ng agahan at babaunin na pananghalian ng mga anak ko at asawa ko, lumapit sa akin si Chiara para ipa-check kung tama ba ‘yung ginawa niyang card na ibibigay niya sana sa student teacher nila,” pahayag ni Chino sa ekslusibong panayam ng Pilipino Star Ngayon Digital (PSND). 

Ayon sa kanya, madalas din umanong nagpapa-check si Chiara ng spelling.

“Madalas siyang magpacheck sa akin ng mga ginagawa niya, kung tama ba spelling o kaya grammar. Mahilig din kasi siya talaga gumawa ng mga greeting cards. Minsan kahit get well soon o kaya I’m sorry card ginagawa niya,” wika niya.

“So, noong i-check ko na, ayun bigla akong natawa pero nagtaka sya bakit. In-explain ko sa kanya kung anong ibig sabihin ng card niya,” pagpapatuloy pa nito. 

Sa naturang card, makikita sa letter ni Chiara ang mga words na “Happy last day of your life, we will miss you.” Kasabay nito, shinare din ni Chino ang laman ng farewell card.

Dagdag pa ni Chino, natawa na lamang sila nang makita ang farewell card.

“Hindi ko napigilan matawa talaga ng malakas. Ganun din yung kuya niya na una niyang pinagtanungan kung tama ba ‘yung ginawa niya. Sakto naman nagising ang asawa ko at pinakita ko sa kanya. Halos hindi siya makahinga sa tawa,” wika niya pa.

“Pambihira anak! Last day lang ni teacher sa school, hindi sa Earth,” biro pa ni Chino sa kanyang post.

Paglilinaw naman niya, gumawa naman ng bagong card si Chiara para sa kanyang student teacher bago siya pumasok sa kanilang school.

“Awa ng Diyos napalitan naman niya ng mas maayos na card bago siya pumasok sa school,” kwento pa niya.

Kasabay naman nito, nag-iwan naman ng iba’t ibang hirit ang mga netizens sa naturang post. 

“Bigla tuloy ako natakot maging teacher ng anak mo kuya,” biro ng isang netizen.

“It’s ok if I will be the teacher. Purely innocence si bagets. Nag-express lang siya ng nararamdaman niya pero dahil nga baby pa kapos pa kung paano i express ng tama. Pero nakakatouch yang gesture ng bata,” hirit pa ng isa.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE