Team Payaman’s Vien Iligan reveals stunning transformation after cosmetic surgery

-

Tila maraming netizens ang napa-wow nang i-reveal ng vlogger na si Vien Iligan-Velasquez ang kanyang transformation matapos mag-undergo ng rhinoplasty at chin augmentation. 

Sa kanyang ini-upload na YouTube video, ipinasilip ni Vien ang naging resulta ng nasabing procedure. 

“Ito po ay 2 weeks post op ko na… Actually, lahat talaga maga pa, and 2 weeks pa lang so don’t expect. ‘Di pa ko masyado nage-expect ng bonggang-bongga ganda,” wika ni Vien sa kanyang video.

“Dalawa yung pinagawa ko kasi, ngayon, rhinoplasty and chin augmentation… Sa chin augmentation ko, medyo huhupa pa to, medyo makapal pa, and nakikita niyo naman sa pagsasalita ko parang tagilid pa, kasi nga medyo maga pa to,” pagpapatuloy pa ng vlogger.

Kwento naman ni Vien, masaya umano siya sa kanyang decision na magpa-nose job.

“Ano bang mga nararamdaman ko ngayon… Excited, masaya ko kasi nagawa ko na finally,” pahayag niya.

“Masaya ako sa desisyon ko, isa to sa mga pinaka gusto kong desisyon, pinakamagandang desisyon ko sa buhay, so wala akong pagsisisihan dito kasi gusto ko talaga,” dagdag pa nito.

Matatandaan na sa isang TikTok video, sinabi ni Vien na matagal niya na umanong gusto mag-undergo sa nasabing procedure. 

Kaugnay naman nito, nag-share din si Vien ng ilang mga advice para sa mga nagnanais din na magpa-rhinoplasty. 

“So sa mga nagdududa, nagdadalawang-isip, ‘wag na kayo magdalawang-isip sa pagra-rhinoplasty ah, pero syempre, one hundred times na isip sa doctor na pipiliin niyo syempre,” payo naman ni Vien.

“Sa mga magpapa-rhinoplasty diyan, kailangan physically, mentally, and financially prepared ka kasi kailangan mo yon, lalo na yung financially. [Kailangan] prepared ka talaga sa mga ganitong bagay kasi talagang madami kang tanong sa sarili mo, madami kang tanong sa doktor mo,” dagdag pa nito. 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE