Tila dream come true para sa drag queen na si Mac Coronel, o mas kilala bilang “Taylor Sheesh,” ang makita sa personal ang American singer-songwriter na si Taylor Swift.
Sa isang post ni Mac noong February 8, ibinahagi ng naturang drag queen ang kanyang kasiyahan matapos umattend ng “The Eras Tour” concert ni Taylor sa Tokyo, Japan.
“My Swiftie heart is so so so happy! This is my first time to [see] Taylor Swift and watched her concert live. Thank you to my fellow Swifties and to my besties Yzelle and Ced. Thank you so much Japan!” saad ni Mac sa kanyang post.
WHAT’S THE FIRST LETTER OF JAPAN? JEYYYY. ??
— Mac (Taylor Sheesh) (@heymacyou) February 8, 2024
My Swiftie heart is so so so happy! ? This is my first time to saw Taylor Swift and watched her concert live. ? Thank you to my fellow Swifties amd to my besties Yzelle and Ced ? Thank you so much Japan! ??
?Robert Macdon Gayeta pic.twitter.com/aKmBpRj5HI
Hi guys. ?? pic.twitter.com/nUBSOYWVT7
— Mac (Taylor Sheesh) (@heymacyou) February 8, 2024
Bago pa ito, a day before the concert ay nauna nang shinare ni Mac ang kanyang pagiging emotional matapos maka-secure ng ticket para sa naturang concert.
“Soft boi muna ang gay. Ngayon lang nag-sink in sa’kin na mapapanuod ko ng first time si beh @taylorswift13. Pipigilan kong umiyak later baka masira ang makeup ko. See you all later my fellow Swifties! PS. Ang swerte ni Taylor makikita na niya ako!” wika ni Mac sa kanyang post sa social media platform na X.
Soft boi muna ang gay. Ngayon lang nag-sink in sa’kin na mapapanuod ko ng first time si beh @taylorswift13 ?? Pipigilan kong umiyak later baka masira ang makeup ko. ? See you all later my fellow Swifties!????????
— Mac (Taylor Sheesh) (@heymacyou) February 7, 2024
PS. Ang swerte ni Taylor makikita na niya ako! pic.twitter.com/X4g7HQ8zQ2
Kaugnay naman nito, tila ikinagalak din ng mga netizens ang pag-attend ni Mac ng concert ni Taylor.
“Deserve ni Taylor Sheesh!” komento ng isa.
“Well deserved,” dagdag pa ng isa.