Kris Bernal shares story behind her viral Starstruck haircut

-

Idinetalye ng aktres na si Kris Bernal ang story sa likod ng kanyang iconic haircut noong kanyang Starstruck days, na siyang nag-viral kamakailan lamang. 

Sa isang interview ni Boy Abunda sa programang “Fast Talk with Boy Abunda,” sinabi ni Kris na noong una ay inakala niyang ipe-perm ang kanyang buhok.

“May makeover kami so very excited ako nung una kasi eversince kasi long hair talaga ko eh, ayokong nagpapagupit, so akala ko ipe-perm ako, curl perm, ganyan ganyan,” kwento ni Kris.

“Tapos nagulat ako, sa lahat ng Starstruck na contestants, sakin yung pinaka drastic talaga yung makeover. Talagang ginawang ganyan. ‘Di ba? Excited talaga ko no’n kasi iba yung ine-expect ko, tapos never ako nagpapagupit ng maikli,” sey pa niya. 

Ayon pa kay Kris, nang makita ang outcome ng kanyang makeover ay umiyak na lamang siya. Ngunit kahit ganito ay hindi umano siya “umangal.” 

“Tapos syempre bilang ano, bawal ako umangal ’di ba, baka maligwak ako pag umangal ako. So talagang… iniyak ko na lang talaga, ta’s kunwari happy ako, ngumingiti-ngiti na lang ako,” sey pa niya.

“Grabe, pero hindi ko talaga gusto yung hair ko nun. Naalala ko talaga, ta’s wala kong magawa sa buhok ko, puro ganyan lang yung hair [style]. Walang magawa, hindi mo makulot, hindi mo malagyan ng hair extensions,” pagtatapat ni Kris.

“Okay na lang, kasi matatanggal talaga ko pag nag-attitude [ako]. Baka hindi ako nanalo,” pahayag pa ng aktres. 

Matatandaan na kamakailan ay nag-viral sa social media ang old video clip ni Kris kung saan makikita ang kanyang haircut. 

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE