Chito Miranda defends wife Neri Naig from bashing over weekly meal plan

-

Kumalap ng samo’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang ibinihaging sample meal plan ng celebrity mom na si Neri Naig.

Sa kanyang deleted Facebook post, sinabi niya na nag-try umano siyang mag-budget ng P1,000 sa isang linggo.

“Para sa mga nanay na mamamalengke bukas pagkatapos ihatid ang mga bata sa school, eto na, pakiprint na po eto, kumpleto pati palengke list,” saad ni Neri.

“Nag-try akong magbudget ng P1,000 for a week. Kung may sukli pa yan, pwede pangdagdag merienda o baon ng mga bata,” sey pa niya.

Sa naturang meal plan, makikita ang variety ng mga dishes na maaring ihain para sa breakfast at lunch.

Ilan na lamang dito ay ang lugaw with boiled egg, peanut butter sandwich, at champorado with tuyo para sa breakfast, habang pork sinigang, fried bangus, tortang talong, at chicken tinola naman para sa lunch.

Makikita rin sa naturang meal plan na wala nang nilagay si Neri na specific na dish para sa dinner kundi mga “leftovers” na lamang.

Kasabay nito, ibinahagi rin ng celebrity mom ang kanyang personalized palengke list na nahahati sa tatlong categories na: protein, vegetables, at grains o starches.

Neri’s meal plan draws mixed reaction from netizens

Tila iba’t iba naman ang naging reaction ng mga netizens sa naturang meal plan.

Ani ilang netizens, “unrealistic” umano ang meal plan ni Neri.

“Hindi makatotohanan. ‘Pag namalengke ako for one week, 3 lang kami, mag-asawa at 1 kid, nauubos ‘yung 1,500 ko pero kulang pa din, tipid na tipid pa ‘yun,” share ng isang netizen.

“Mare naman dun tayo sa realidad, kung araw araw monggo, itlog, de lata, at noodles pasok ang 1k for 1 week,” hirit naman ng isa.

“Pang-ilang tao tong meal plan mo? Sorry, but this is too unrealistic especially if you are living in the city,” sey pa ng isang netizen.

Hirit pa ng ilang mga netizens kay Neri, “palengke reveal.”

“Palengke reveal kung san po pwede yung 1k for a week,” wika ng isa.

“Saan pong palengke ‘yung 1k?” tanong naman ng isa.

“Breakdown please. And share the market where you bought your groceries,” request naman ng isang netizen.

Ngunit kahit ganito, may ilan pa ring mga netizens ang nag-iwan ng positive comments at nag-agree sa shinare ni Neri.

“Usually nga ‘yung lunch ‘yun na din dinner,” saad ng isa.

“I think 1k is for 1 person budget is pasok,” pag-sang-ayon pa ng isang netizen.

“’Yung main dish or lunch medyo dadamihan or sobrahan mo ng kaunti para may pang dinner. Kami ganyan kung ano tira sa tanghali pang hapunan na,” pagbabahagi pa ng isang netizen.

Chito Miranda claps back to Neri’s bashers

Samantala, tila nag-react naman ang vocalist at asawa ni Neri na si Chito Miranda sa pambabash ng mga netizens.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Chito na bago pa man i-share ni Neri ang kanyang P1,000 weekly meal plan sa social media, nauna na itong gumawa ng meal plan na may P2,000 budget para sa dalawa hanggang apat na katao na maaring gamitin bilang guide ng mga netizens.

“A few weeks ago, Neri came up with a weekly meal plan, for a family of 2-4, working with a budget of only P2k. It was mostly for fun, but she also thought that it can be useful for those who might want to use it as a guide,” kwento ni Chito.

Dito ay inamin din ni Chito na nagkamali umano ang kanyang asawa sa hindi paglalagay ng iba pang details sa ibinahagi nitong meal plan.

“Soon after, she told me that she wanted to make another meal plan, but this time, she’ll try to keep it under P1k. Soon enough, she was able to come up with one… she eagerly shared it with her followers (and again, madaming natuwa at nagpasalamat)…and since it was intended for those who already knew what she was doing, she made the crucial mistake of not filling in the details,” pagpapatuloy pa niya.

Sey pa ni Chito, nagmalasakit lamang umano si Neri na makatulong sa pamamagitan ng paggawa ng naturang meal plan upang maging guide.

“It was soon picked up by those who knew nothing of what she was doing, and was instantly bashed for it. Naisip lang naman ng asawa ko na baka sakaling makatulong yung meal plan nya sa mga tao that might find it useful, na-bash pa siya ng mga taong hindi naman nakasubaybay kung bakit ginagawa nya yung meal plan,” wika niya.

Kaugnay naman nito, sinabi ni Chito na gagawa si Neri ng updated at fully detailed na meal plan para mas maging helpful pa raw ito.

“‘Di bale…dinelete nya na po yung post niya, and she will make it more detailed for those who do not fully understand what she was doing. Anyway, for those who knew what Neri was doing, ayusin niya lang daw muna yung details para mas maging helpful yung guide niya,” pahayag pa nito.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE