Too unrealistic? Netizens react to Neri Naig’s ‘P1,000 a week’ meal plan

-

By Regine Caldona

Kumalap ng samo’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang shinare na sample meal plan ng celebrity mom na si Neri Naig.

Sa kanyang Facebook post, sinabi niya na nag-try umano siyang mag-budget ng P1,000 sa isang linggo.

“Para sa mga nanay na mamamalengke bukas, pagkatapos ihatid ang mga bata sa school, eto na, paki-print na po eto, kumpleto pati palengke list,” saad ni Neri.

“Nagtry akong magbudget ng P1,000 for a week. Kung may sukli pa yan, pwede pangdagdag merienda o baon ng mga bata,” sey pa niya.

Sa naturang meal plan, makikita ang variety ng mga dishes na maaring ihain para sa breakfast at lunch.

Ilan lamang sa mga ito ay ang lugaw with boiled egg, peanut butter sandwich, at champorado with tuyo para sa breakfast, habang pork sinigang, fried bangus, tortatong talong, at chicken tinola naman para sa lunch.

Makikita rin sa naturang meal plan na wala nang nilagay si Neri na specific na dish para sa dinner, kundi mga “leftovers” na lamang.

Kasabay nito, ibinahagi rin ng celebrity mom ang kanyang personalized palengke list na nahahati sa tatlong categories: protein, vegetables, at grains o starches.

Tila iba’t iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens sa naturang meal plan.

Ani ilang netizens, “unrealistic” umano ang meal plan ni Neri. “Hindi makatotohanan. Pag namalengke ako for one week, 3 lang kami, mag-asawa at 1 kid, nauubos ‘yung 1,500 ko pero kulang pa din, tipid na tipid pa ‘yun,” share ng isang netizen.

“Mare naman dun tayo sa realidad, kung araw araw monggo, itlog, de lata, at noodles pasok ang 1k for 1 week,” hirit naman ng isa.

“Pang-ilang tao tong meal plan mo? Sorry, but this is too unrealistic especially if you are living in the city,” sey pa ng isang netizen.

Hirit pa ng ilang mga netizens kay Neri, “palengke reveal.”

“Palengke reveal kung san po pwede yung 1k for a week,” wika ng isa.

“Saan pong palengke ‘yung 1k?” tanong naman ng isa.

“Breakdown please. And share the market where you bought your groceries,” request naman ng isang netizen.

Ngunit kahit ganito, may ilan pa ring mga netizens ang nag-iwan ng positive comments at nag-agree sa shinare ni Neri.

“Usually nga ‘yung lunch ‘yun na din dinner,” saad ng isa.

“I think 1k is for 1 person budget is pasok,” pag-sang-ayon pa ng isang netizen.

“Double thumbs up sa leftovers,” pahayag ng isa.

“’Yung main dish or lunch medyo dadamihan or sobrahan mo ng kaunti para may pang dinner. Kami ganyan kung ano tira sa tanghali pang hapunan na,” pagbabahagi pa ng isang netizen.

Samantala, sa ngayon ay hindi pa ina-address ni Neri ang komento ng mga netizens patungkol sa kanyang meal plan.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE