Kim Chiu naiyak nang makita ang libingan ni Padre Pio

-

Umpisa pa lang ng latest vlog ni Kim Chiu na uploaded sa kanyang YouTube account ay hindi na agad niya napigilan na maiyak. Sobrang touched kasi ang aktres dahil nakapagsimba siya sa Shrine of Padre Pio sa Italy.

Ala-una pa lang ng umaga ay gising na si Kim para bumiyahe sa San Giovanni Rotondo, Southern Italy, ng five hours.

“Sobrang devotee ako ni Padre Pio so hindi ko dapat ma-miss ang pagpunta ko kung saan nakalagay ‘yung tomb niya. And this is my first time na makapunta dito sa Rome sa lugar niya.”

Nang matapos ang Mass ay agad na nagkuwento si Kim.

“Grabe, sobrang hindi ako makapaniwala na andito na ako. Hindi ko alam kung ba’t ako naiiyak. I’m just so happy and very thankful sa chance na nakapag-misa ako dito. Ang sarap ng pakiramdam,” emosyonal na kuwento ng aktres.

Kim Chiu turns emotional while visiting the Shrine of Padre Pio in Italy. — Screenshot from Kim’s YouTube video

Nilibot din ni Kim ang kanyang subscribers sa modern Saint Padre Pio pilgrimage church at naglagay din siya ng message sa Padre Pio dropbox.

“We just finished Mass number two and nakita namin si Padre Pio. Grabe, it is just a surreal experience. Ang sarap sa feeling. Parang buhay pa rin siya na natutulog lang. It’s so amazing.”

Debbie Castillo
Debbie Castillo
Debbie Castillo is Pilipino Star NGAYON’s assistant editor for entertainment. She is also a painter, make-up artist and works with some charitable organizations.

Must Read