Agila ni Sen. Bong Revilla papalit sa Daig ni Gloria Romero!

Ang Agila ni Sen. Bong Revilla ang papalit sa Daig Kayo ng Lola Ko ni Ms. Gloria Romero na pahinga raw muna sa trabaho dahil sa vertigo.

Next week na raw mag-start ang taping ni Sen. Bong. Almost the same daw ang concept nito sa Daig Kayo ng Lola Ko na every month ay ending na ng story.

Every month din ay iba ang set of guests ni Sen. Bong sa Agila. At ang isa sa possible guests ayon kay Manay Lolit Solis, si Alden Richards.

One of Sen. Bong Revilla’s possible guests is Alden Richards (right). Photos from Instagram

Yup. Naudlot man si Sen. Bong sa The Gift, at least tuloy pa rin naman ang pagsasama nila ni Alden.

Anyway, 85 years old na ngayon si tita Gloria Romero na sa tuwing gagalaw daw ay nahihilo kaya pahinga muna sa showbiz.

December 16 ang birthday ni tita Glo at almost 60 years na siya sa showbiz.

Sexy star nakatira sa pinakamahal na condo, luxury brand ang gamit na kotse

Sobrang retokated as in retokada pala ang isang sexy star na nali-link sa big time businessman at isang politician. Pati raw kasi boobs nito, pinaayos. Pero mas nauna raw nitong pinaayos ang ilong.

Kung sabagay, nagbunga naman daw ang kanyang “ganda” dahil may sarili siyang unit sa condo building na sinasabing pinaka-maganda ang feng shui at luxury car ang kanyang ginagamit ngayon.

At sa abroad pa raw ito nagsa-shopping ha. Yup, ganun daw ito ka-bigtime.

Ang duda ng source, ang mga nali-link sa kanya ang nagbayad ng boob and nose job ni sexy actress. Oh wow. Bakit nga naman hindi kung hinahabol siya ng mga madadatung.

Scroll to Top