Categories
#Trending Hot News Just in Latest Chika

ABS-CBN wala pang plano sa pagbalik ni Julia Montes?!

Parang may semblance of truth na bubuhayin ni Julia Montes ang naudlot niyang career. Bago pa nagkalat sa social media ang photos niya sa isang supermarket in Greenhills, nasulat na namin sa Tidbits… column (sa Pang Masa tabloid) na nagpaparamdam na nga raw si Julia dahil nagbabalak na itong magbalik showbiz.

Ayon sa narinig kong kuwento, may mga kinausap na diumano ito kung ano ang magandang TV comeback. Walang official statement si Julia sa biglaan niyang pagkawala. Pero pinagbintangan siyang nabuntis at nanganak na ang tatay diumano ng baby ay ang actor na si Coco Martin.

Nauna nang kinumpirma ng source na nag-apply ito ng dual citizenship sa Germany kaya matagal itong nag-stay sa piling ng amang German na si Martin Schnittka na two years ago lang sila nagkaroon ng communication.

A July 2018 photo of Julia Montes with her German father Martin Schnittka. Credit: Julia’s Instagram

More than a year nang absent sa showbiz si Julia.

Nag-trending nga kahapon sa Twitter ang “Julia is back” kung saan nga nagkalat ang selfie niya sa ibang costumers ng Unimart supermarket in Greenhills.

Habang sinusulat namin ito ay tinanong namin ang isang ABS-CBN insider at ang sagot niya sa tanong namin kung may naka-line na silang project for Julia, “I don’t know pa…I’ll check.”

Barbero ng KathNiel ready na for business

Today na ang grand opening ng Barbero Blues nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa 5th Floor ng The Block SM City, North EDSA.

Pero kagabi ay nag-surprise visit na ang KathNiel para i-check kung OK na ang lahat para sa grand opening nito.

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla visit their joint business Barbero Blues ahead of today’s opening.

I’m sure dudumugin ito ng fans ng mag-dyowang owners ng Barbero Blues.

Nauna nang nagkaroon ng Kath Nail si Kathryn.

Salve Asis

By Salve Asis

Salve Asis is an entertainment columnist and editor of Pilipino Star Ngayon and Pang Masa. A member of the Cinema Evaluation Board, she’s one of the founders and officers of the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED).