Ipinahayag ng aktres na si Janna Dominguez ang kanyang unconditional love hanggang sa huling sandali ng kanyang yumaong ‘first born child’ na si Yzabel Ablan.
Sa kanyang eulogy para kay Yzabel, emosyonal na shinare ni Janna na proud to say siya umano na si Yzabel ang kanyang “first born child.”
“Lagi kong sinasabi sa lahat and very proud ako to say na si Yza ang first born child ko. Kahit hindi siya nanggaling sa sinapupunan ko, lagi ko sinasabi and ina-affirm siya na, ‘Ikaw ang anak ko. Ikaw ang una kong panganay.’ Kasi siya ‘yung nagturo sa akin kung paano maging nanay,” wika ni Janna.
Kasabay nito, dinescribe din ni Janna si Yzabel bilang isang mabuting anak.
“Alam niya na hindi ako perfect mom. Lagi ko sinasabi sa kaniya ‘yun, ‘Anak, hindi ako perfect mommy na hinahanap mo, pero I will do my best para maging mabuting nanay sa ‘yo at sa mga kapatid mo’,” saad niya.
“Never ko na napalo ‘yan. Sobrang bait, sobrang nakikinig talaga ‘yan. Kaya ko ine-explain kasi even yung mga kapatid niya, ‘yan napapalo ko ‘yan dahil sa sobrang harot, pero itong si Yza sobrang bait, ‘yung nakikinig talaga sa’yo, sobrang bait niya,” pagpapatuloy niya pa.
Maliban pa rito, inacknowledge din ni Janna sa kanyang eulogy ang kanyang mga pagkukulang bilang isang ina.
“Alam ko may hinaing siya, na nao-open up, may mga pagkukulang ako bilang nanay din. Kasi hindi po ako sometimes affectionate, hindi ako masyado showy, touchy. Gusto ko kasi tough love, gusto ko sila turuan na maging matapang sa mundo na ‘to. Kasi, hindi naman all goodness ang meron dito sa mundong ito, ‘di ba?” pagpapatuloy pa ng aktres.
Share pa ni Janna, marami pa umanong plano si Yzabel sa kanyang buhay.
Janna regrets not being on Yzabel’s side during her last moments
Kasabay nito, humingi naman ng sorry si Janna sa kanyang anak dahil wala umano siya sa tabi nito sa kanyang huling sandali sa hospital.
“Isa pa sa masasabi ko kay Ate Yza, sobrang tapang niya. Sobrang… sa lahat ng nilaban niya, talagang grabe yung laban niya, kahit hanggang huli, lumaban pa rin siya ng solo,” pahayag ng aktres.
“Isa lang sa mga regret namin na nung nangyari ‘yun, wala kami sa tabi niya nun so… du’n ako nagso-sorry sa kaniya,” pagpapatuloy ni Janna at bumuhos na ang kanyang luha.
“Wala ‘yung magulang niya na nakahawak sa kamay niya na magsasabing ‘it’s okay to let go’,” madamdaming pagbabahagi pa ng aktres.
Sa isang Facebook post ni Janna, matatandaan na ibinahagi niyang Oktubre 7 namatay si Yzabel, sa parehong araw ng kanyang pagka-panganak sa kanyang newborn baby na si Michael Zab Leon.
Ayon pa sa aktres, tanging mga words na lamang ni Yzabel ang nagpapalakas sa kanya sa kabila ng pinagdaraanang challenge ngayon sa buhay.
“Pero again, balik tayo sa sinabi niya, ‘God above all.’ ‘Yun ‘yung nagpapatibay sa akin ngayon, na message niya for me, na lahat ng mga tanong ko, kasi, alam ko ganun din kayo sa puso niyo ngayon na may questions kayo. Bakit kailangan mangyari agad ito? Again, share ko sa inyo, sabi niya, ‘God above all’,” pahayag pa ni Janna.
Sa pagtatapos naman ng kanyang eulogy ay ipinahayag pa rin ni Janna ang kanyang unconditional love para sa anak.
“I love you baby,” mensahe pa ni Janna.
Matatandaan na ibinahagi ni Janna na pumanaw si Yzabel dahil sa heart failure at lung infection.
Samantala, nailibing na si Yzabel sa isang memorial park sa Angeles City, Pampanga kahapon, October 12.