Isa Pa With Feelings nina Carlo at Maine naka-30 million

-

BY MAE MERCADO

Lahat naman tayo ay gustong marinig at mapakinggan, literally and figuratively. Pero para sa mga pamilya na may miyembrong kabilang sa deaf community ay napakahirap nito, na kahit sa kabila ng mga advance technology mula sa iba’t ibang bansa at iba’t ibang gobyerno ay dumaranas pa rin sila ng napakaraming challenges bago maintindihan.

Isa sa mga madalas na nararanasan ng mga nasa deaf community ay ang social isolation. Hindi naman kasi lahat ay marunong gumamit ng sign language, kaya naman ito ngayon ang pumipigil para makipag-communicate sila sa kanilang pamilya na nagiging sanhi ng kanilang paglayo.

Masasaksihan ang struggle ng deaf community sa pelikulang Isa Pa With Feelings nina Carlo Aquino at Maine Mendoza mula sa direksyon ni Prime Cruz.

Carlo Aquino and Maine Mendoza topbill Isa Pa With Feelings.
Produced by Black Sheep and APT Entertainment, Isa Pa With Feelings stars Carlo Aquino and Maine Mendoza.

Umiikot ang istorya nito sa lalaking si Gali (Carlo), isang deaf sign language teacher na may passion sa pagsasayaw. Makikilala niya si Mara (Maine) na bigo matapos bumagsak sa architecture licensing exam.

Parehong aminado sina Carlo at Maine na challenge para sa kanila ang pagganap sa mga role na ibinigay sa kanila.

Nahihirapan daw si Maine sa pag-memorize at pag-deliver ng kanyang mga linya gamit lamang ang sign language. Ganunpaman, kung si Maine ay nahirapan, damang-dama naman daw ng mga nanood ang emosyon sa ginawa ni Carlo.

Nagawang lampasan ng dalawa ang hirap sa pag-aaral ng sign languages hindi lang dahil sa tulong ng kanilang direktor, kung hindi dahil na rin sa guidance ng deaf consultants na present sa kanilang set.

At mapanood sa bansa ang pelikula na ang sabi ay kumita nang P30 million sa limang araw na pagpapalabas. Mapapanood na ito na ating mga kababayan sa ibang bansa: October 22 sa Japan; October 24, Papua New Guinea; October 25, U.S., Canada at Saipan; October 26, United Kingdom at Dublin, Ireland; October 27, Milan, Rome, Florence, Bologna at Torino in Italy, Madrid at Barcelona sa Spain, at sa Athens, Greece; October 28, Cosenza, Italy; October 31, Middle East, Australia at New Zealand; November 3, Oslo, Norway at Paris, France; November 7, Brunei; and November 10, Parma, Italy.

Mula sa panulat nina Jen Chuaunsu at Kookai Labayen, ang Isa Pa With Feelings ay produced ng ABS-CBN Films’ Black Sheep at APT Entertainment.

Latest

YOU MAY LIKE