Andrea Brillantes reacts to criticisms over ‘hacked IG’ PR stunt for her song ‘Gaga’

-

In-address ng aktres na si Andrea Brillantes ang mga criticisms ng mga netizens patungkol sa kanyang ‘hacked Instagram account’ publicity stunt para mag-promote ng kanyang bagong kanta na “Gaga.”

Sa kanyang Instagram story, nag-react ang aktres matapos sabihin ng ilang netizens na “baduy” ang kanyang naging publicity stunt.

“Sa mga nagsabi na ‘’Yun na ‘yon? akala ko hacked?’ ‘Baduy’ Maybe it feels underwhelming kasi may hinihintay talaga kayo,” wika ng aktres.

“Leaked conversations. Chismis. Konting scandal. Konting downfall ni Andrea Brillantes. Napaghahalataan ang ugali ng iba dyan uyyy ” saad niya.

Kasabay nito, nagsalita rin ang aktres patungkol sa mga nagsasabi na “walang kwenta” ang kanyang bagong single na “Gaga.”

“For the people saying walang substance and walang kwenta yung kanta, I actually agree with you!! Because around 80% of the lyrics I wrote were just the same non-substantial things people have been saying about her for years,” saad niya.

Ani pa Andrea, isinulat niya umano ang nasabing single para sa kanyang mga haters.

“GAGA is supposed to annoy haters, because it was made for you,” pagpapatuloy pa niya.

Matatandaan na ini-release ni Andrea ang nasabing single noong March 6, 2026.

Kasabay nito, inintroduce niya rin ang kanyang alter ego na si Ramona.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE