Naging emosyonal ang BINI member na si Maloi Ricalde matapos niyang i-reveal na siya’y na-diagnose ng Polycystic Ovary Syndrome o PCOS.
Sa documentary na BINI World Tour Stories, sinabi ni Maloi na “greatest fear” niya ang pagkakaroon ng PCOS.
“We found out that I have PCOS. Greatest fear ko [’yun], sabi ko, mawala na cellphone ko, iPad, lahat ng mga material things ko, ’wag lang ako magka-PCOS. Ganun ’yung thinking ko,” pagbabahagi ni Maloi.
‘WE FOUND OUT THAT I HAVE PCOS’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) October 6, 2025
Ibinahagi ng BINI member na si Maloi na na-diagnose siya ng Polycystic Ovary Syndrome o PCOS kamakailan. pic.twitter.com/C9hDdKvHd9
Aniya, pangarap niya umano na magkaroon ng malaking pamilya kung kaya’t ikinalungkot niya ang kanyang PCOS diagnosis.
“Ang sad lang kasi as someone na nanggaling sa malaki at masayang pamilya, syempre nakikita ko na sarili ko na, ‘Ah, someday, ganito. Gusto ko rin ng ganito,'” saad niya.
“[…] May lungkot din sa part ko and ’yun ’yung kailangan kong tanggapin, mas kailangan ko alagaan ’yung sarili ko,” dagdag pa niya.
Gayunpaman, nagpasalamat naman ang P-pop idol sa pagkakaroon niya ng strong support system – ang kanyang mga co-members.
“Dami pa namang effect ng PCOS sa body, bukod sa period, pati na rin sa weight mo. Buti na lang, strong din ang support system ko and we take our health seriously. Kaya nagpa-vaccine din kami for cervical cancer,” saad niya.
Kasabay nito, nag-alay din ng mensahe si Maloi para sa mga kababaihan.
“To all the women out there, kung kaya niyong magpa-check up, do it. Alagaan ninyo mga sarili niyo. ’Yung mga ganitong procedures, may malaking impact siya sa life mo and makakatulong siya sayo and sa future mo,” wika niya.