Ipinaliwanag ng aktres na si Ruffa Gutierrez kung bakit ayaw niya umano sa konsepto ng “live-in.”
Sa isang podcast episode ng entrepreneur na si Anna Magkawas kung saan naging guest si Ruffa, sinabi niya na kailangan niya umano ng personal space kung kaya’t taliwas siya sa idea ng “live-in.”
’KUNG ‘DI NAMAN AKO ASAWA, WHY WILL I ACT LIKE A WIFE?’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) August 19, 2025
Iyan ang saad ng aktres na si Ruffa Gutierrez matapos mapag-usapan sa isang vlog ang patungkol sa konsepto ng “live-in.”
“May nag-viral lately na ang sinabi mo, ayaw mo sa live-in?” tanong ni Anna Magkawas kay Ruffa. pic.twitter.com/zSnsz6hatb
“Well, ako, I guess, I need my space. Pwede naman sleepovers, live-in kasi is you’re living with someone like you’re a married couple, I personally need my space,” saad niya.
Ayon pa kay Ruffa, ayaw niya ring makita ang kanyang partner araw-araw.
“I don’t wanna see my jowa every day, all day, morning, tanghali, gabi. After six months, baka inaaway ko na siya,” saad niya.
“Wala nang excitement, after 10 years baka nagsawa na kayo sa isa’t isa,” pahayag niya.
Maliban dito, sinabi ng aktres na maliban sa pakikipag-live in, mayroon pang ibang paraan upang malaman ang ugali ng partner.
“I think you’ll see that when you travel together. Kasi makikita mo how he treats people, swak ba kayo o hindi. Tapos pag-uwi niyo sa Manila, ’Okay, bye. See you in a few days!’ Para at least, may excitement. Every time you see the person, excited ka. Naghahanda ka, nagpapaganda ka,” wika niya.
“[…] Kaya ayoko makipag-live in, kasi kung ’di naman ako asawa, why will I act like a wife? If we’re married, then we can live together,” pagpapatuloy pa nito.
“Everyone’s different. But for me, I’d rather he comes to the house. The guy needs to put the work,” dagdag pa niya.