“Let kids be kids.”
Ganito ang inihayag ng aktor at OPM singer na si Juan Karlos Labajo matapos mapag-usapan sa media conference ng singing competition na “Idol Kids Philippines” ang mga bata na sumasali sa mga TV contests upang matulungan ang kanilang mga magulang financially.
‘THE KIDS DESERVE TO BE CHILDREN’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) June 23, 2025
Ganito ang inihayag ng OPM singer na si Juan Karlos Labajo sa media conference ng upcoming singing competition na “Idol Kids Philippines.” pic.twitter.com/Lh0hmZF0CT
Pagbabahagi ni Juan Karlos, ikinalulungkot niya tuwing naririnig niyang nais tulungan ng mga bata ang kanilang magulang sa murang edad.
“Sobrang nakakalungkot para sakin kapag merong isang eight year old. ‘Ba’t ka sumali ng Idol Kids?’ ‘Para po matulungan ang magulang ko.’ Why? Let the kids be kids. The kids deserve to be children,” saad niya.
“Nakakalungkot lang na parang at eight years old, you’re already thinking about that? Won’t it be nice to just have fun?” dagdag niya.
Sa kabila nito, sinabi naman ng OPM singer na naiintindihan niya ang reality ng buhay.
“I get the hardships of life. I come from that,” pahayag ni Juan Karlos.
“It’s nice to have the parents support the kids but what I don’t like seeing is the other way around,” pagpapatuloy niya.
Kasabay nito, nagbigay din ng payo si Juan Karlos para sa mga magulang.
“Bago kayo mag-anak, mag-ipon muna kayo,” wika pa niya.