Grace Tanfelix reveals son Miguel’s first heartbreak is Barbie Forteza

-

Ini-reveal ng content creator na si Grace Tanfelix kung sino ang first heartbreak ng kanyang anak na si Miguel Tanfelix. 

Sa interview kay Grace at Miguel sa online interview show na “Toni Talks,” napag-usapan ang patungkol sa lovelife ni Miguel. 

Dito ay sinabi ni Grace na ang aktres na si Barbie Forteza ang naging first heartbreak ni Miguel.

“Natatawa ako nung unang heartbreak niya, ahh, si Barbie Forteza pala. Talagang batang-bata pa talaga siya nun, 15 [o] 16,” kwento ni Grace.

“Naalala ko nagkasalubong kami sa hagdan. Sabi niya, ‘Mommy, nag-break na kami,’” dagdag pa nito. 

“[…] Anong sinabi mo nung umiyak na ‘yung anak mo at fifteen?” tanong naman ni Toni Gonzaga.

“Sabi niya, ‘Ah, okay na ‘to,’” biro naman ni Miguel.

Kaugnay nito, sinabi din ni Grace na naging okay sa kanya ang lahat nang naging ka-relasyon ni Miguel.

“Lahat naman ng naging girlfriend niya, naging okay naman lahat sakin. Mababait naman silang lahat. Basta kung sino naman ang gusto ng anak ko, gusto ko rin naman,” pahayag niya.

“Basta lang may limitations… Halimbawa, hindi pwedeng gumimik nang gabing-gabi na… Magpapaalam, tapos mag-a-update kung nasaan ka, kung sinong kasama mo,” dagdag pa nito. 

“Full support naman po si mommy,” wika naman ni Miguel.

Sa kasalukuyan ay going strong ang relationship ni Miguel sa aktres na si Ysabel Ortega.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE