Ibinahagi ng aktor na si Paolo Contis ang kanyang “greatest fear” pagdating sa kanyang mga babaeng anak.
Sa programang “Your Honor,” natanong ng isang situational question si Paolo patungkol sa future suitors ng kanyang mga anak.
‘‘YUN ANG NUMBER ONE [NA] IKINATATAKOT KO’
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) January 8, 2025
Ito ang ibinahagi ng aktor na si Paolo Contis matapos mapag-usapan ang kanyang anak na si Summer. pic.twitter.com/G5HVi5FMkt
“One day, merong lumapit sa iyo na binatilyo na, ‘Tito Pao, kaibigan ko po si…’ Si Summer, halimbawa. ‘Okay lang po ba na paminsan-minsan po, pupunta po ako dito.’ […] How will you handle it? If one day, your daughters come to you,” tanong ng host na si Tuesday Vargas kay Paolo.
“It’s gonna happen, anyway. Wala kang magagawa,” sagot ng aktor.
Ayon kay Paolo, isa sa kanyang mga greatest fears ay makakilala ang kanyang anak ng manliligaw na may parehong characteristics sa kanya.
“’Di ka natatakot, Pao? Na baka may Paolo din silang makilala na kagaya mo?” tanong ni Tuesday.
“’Yun ang number one [na] ikinatatakot ko,” pagbabahagi ni Paolo.
“Masasabi ko na kung yung Paolo mga 10 years ago, or 15 years ago, yun ang ipakilala sakin ng anak ko, naku… tatampalin ko talaga yan,” pabirong hirit niya.
“Ever since naman, the goal is to be a guy, kumbaga, gusto mo na yung manligaw sa mga anak mo, maging kagaya mo, na ugali. So yun yung goal ko,” wika niya.
“Sadly, ’di pa siya… I mean, you make mistakes, ’di ba? Nagkakamali ka eh,” dagdag pa nito.
Sa kabila nito, sinabi ni Paolo na kasalukuyan na siyang nasa process ng pagbabago.
“It’s an ongoing process. I cannot say that I am [already a changed person], but nandun ka sa process ng pagbabago. Alam mo na yung mga mali mo. Iniisa-isa mo na yung mga mali, tinatama mo na yung mga mali,” pagbabahagi pa niya.