Viral ngayon sa social media ang video kung saan makikita ang blooper moment ng broadcast journalist na si Karen Davila sa primetime newscast TV Patrol.
Sa nasabing video, makikita na dumaan si Karen sa likod ng kanyang fellow newscaster na si Noli de Castro habang nag-uulat ito.
Good Morning 😅 may ‘white lady’ na naglakad 😂 sorry guys! Have a good one today! https://t.co/X6fll8fmdl
— Karen Davila (@iamkarendavila) October 29, 2024
“May ‘white lady’ na naglakad. Sorry guys!” wika ni Karen nang mag-react ito sa kanyang viral video.
Kaugnay nito, nag-iwan naman ng iba’t ibang hirit ang mga netizens sa nasabing video.
‘YUNG UMABSENT KA TAPOS NAKITA MO PROF MO SA MALL’ 😭
— Pilipino Star Ngayon Digital (@psngayondigital) October 29, 2024
Kumalap ng iba’t ibang hirit mula sa mga netizens ang video kung saan makikita ang blooper moment ng broadcast journalist na si Karen Davila sa TV Patrol. pic.twitter.com/OKukBhWqsT
“Ganyan po ang reaksyon nung dumating ang Shopee/Lazada order tapos wala pang pambayad,” biro ng isang netizen.
“Yung umabsent ka tapos nakita mo prof mo sa mall,” hirit ng isa.
“Nag sick leave ka tapos nakita mo ang boss mo sa mall,” pabirong saad ng isa.
“Yung nagkita kayo sa hallway ng X mo ang peg,” wika pa ng isa.
Kaugnay nito, nag-apologize naman si Karen para sa kanyang naging blooper moment.
Lakas din mangtrip ni Ate B! 🤣 https://t.co/y5Zv6qyJp4 pic.twitter.com/2uEYpe6L6D
— noi ✨🚀 (@noiknows) October 28, 2024
“Guys, sorry po ah, sorry kanina at naging white lady ako sa likod ni Kabayan,” pahayag ni Karen.
“‘Di ko sinasadya ‘yon, nangyayari po ang mga bloopers, hindi ako nag-iisa,” pagpapatuloy pa nito.