Netizens poke fun at ‘Dessert’ singer Dawin’s funny TikTok bio

-

Tila naaliw ang mga netizens makaraang palitan ng American singer na si Dawin ang kanyang TikTok bio ng “Dog cat binaliktad kinurot pa,” na hango sa kanyang hit song na “Dessert.”

Kasabay nito, nag-post din ang nasabing singer ng isang video kung saan makikitang nili-lip sync niya ang kanyang kanta. 

@dawin

This song trending again

♬ Dessert – Dawin

“This song [is] trending again. Is this song nostalgic?” saad nito sa kanyang video. 

Nostalgia naman ang hatid sa mga netizens ng nasabing kanta. 

“Kalye serye naaalala ko ahahahahah. By the way I love this song,” komento ng isang netizen. 

“It’s giving AlDub’s kalyeserye feels,” dagdag pa ng isa. 

Kasabay nito, kumalap naman ng iba’t ibang hirit mula sa mga netizens ang funny TikTok bio ng singer. 

“Bernadette Bernadette Dance Floor Dance Floor,” saad ng isa.

“Yung ganyan lagi kong naririnig, nakalikutan mo na yung totoong lyrics,” dagdag pa ng isa.

Kilala si Dawin sa kanyang mga hit songs na “Dessert,” “Jumpshot,” at iba pa.

Regine Caldona
Regine Caldona
Regine Caldona is a chronically-online content producer. She loves vibing to feel good K-pop songs.

Latest

YOU MAY LIKE